Wildest Beast (Hillarca Series 01) -
Chapter 15
ESCAPE
Pagod na akong tumakbo, takbuhan ang totoo. "K-kung papayag ako...anong kondisyon ang ilalathala mo?"
Hindi ko na dapat sinabi ang mga salitang ito sa kanya, dahil sa totoo lang kahit meron o walang kondisyon. Alam ko, papayag na ako sa oras na ito. Pero gusto ko lang makasigurado, gusto ko ng kalkula lahat ng galaw ko. "M-marry me. Pakasalan mo ako A-azeria."
Hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha sa tuwing tinatawag ako nitong 'Azeria'. I know it a stupid thing to use a different name, na kahit alam kong mali ay ginawa ko pa rin dahil na rin sa kagustuhan ni lolo at itanggi ko man. Naisip ko rin na paraan rin 'yon para mag lie low, pero ngayong natatawag na ako nito sa totoo kong pangalan.
Naging magaan sa akin ang lahat.
Pero ngayong inaalok muli ako nito ng kasal, bigla ay natigilan ako. No'ng malaman kong buntis ako ay alam kong hindi pa ako handa kahit nasa tamang edad na, pero sa tuwing sipa ng anak ko sa nagdaang buwan. Do'n pa lang tiyak kong handa na ako, ngunit ang kasal.
Umiling ako sa kanya, at iniwas sa kanya ang aking mata.
Hindi pa ako handa, at isa pa...hindi ko basta puwedeng biglain ang papa at ang mga ibang kamag-anak ko na ikakasal na ako. Ni wala akong pinakilala sa kanila at ngayon buntis na, gusto kong ayusin muna ang lahat bago gumawa ng ganitong klase ng pagpapasya.
"H-hindi ko alam kung paano mo nalaman ang totoo kong pangalan, pero gaya mo...hindi rin alam ng papa ko ang mga pinaggagawa ko. H-hindi pa ako handang harapin sila."
Gayo'ng hindi ko alam kung paano sila haharapin na walang bahid ng kasalanan. Walong buwan na walang koneksyon sa kanila, alam ko...sa puntong ito galit na ang buong pamilya ko.
Kilala akong masunurin at mabuting anak, kung ngayon ay umuwi ako na malaki na ang tiyan. Tiyak na babahid ng kahihiyan ang maidudulot ko sa aming angkan. Tumango si Rezoir ngunit hindi nakaligta sa aking mata kung paano bumagsak ang balikat niya.
"I understand, gusto ko lang patunayan na kaya kong pangatawan ang responsibilidad na nakaatang na sa aking balikat Azeria. T-tanggihan mo man ako ngayon pero hindi ako magsasawang alukin ang kamay mo araw-araw. Papatunayan kong mali lahat ng nga bagay na alam mo, hayaan mo akong ako mismo ang maghahatid sa'yo sa katotohanan." "R-rezoir."
Ang pagtawag na lang sa pangalan niya ang nagawa ko, malaking guilty ang nararamdaman ko nang marinig ko sa kanya na siya pa mismo ang nagsabing ihahatid ako nito sa katotohanan. Nagpapatunay lang na I escape for a nonsense
reason.
"Kuya, ready na ang bangka." Napatingin ako kay Reign na nakatayo hindi malayo sa aming kinatatayuan. "Bangka?" bulalas ko.
Nagkatinginan ang dalawa, napatitig ako kay Rezoir. Aalis na sila? Pero paano ang clinic na ipinasuyo ni Mark kay Reign...kung aalis sila. Paano kong mapaaga ang panganganak ko? Hindi ko tuloy mapigilang hindi magpanic. "A-aalis na kayo?" nangunot ang noo ni Reign.
"May kinakailangang meeting na dadaluhan si Kuya Azeria, matigas kasi ang ulo kahit pa na sinabi kong puwede naman siyang pumunta sa susunod na linggo." Ngisi ni Reign.
Mariin naman na napatitig si Rezoir sa kapatid. Ani mo binabalaan na huwag ng magbunyag ng iba pang tiyak na kanyang ayaw ipaalam, kay Rezoir muli ang paningin ko nang hinawakan ako nito sa bewang. Hindi ko alam pero no'ng medyo malapit siya sa akin, nagugustuhan ko ang amoy niya. Na halos ako ay gustong kutusin ang sarili sa mga naiisip, kakakita ko pa lang sa tao. Kakaalam lang na buntis ako, pero ewan ko ba...parang na miss ko rin siya. Epekto pa ba ito ng pagbubuntis ko o sadyang ito lang ang nararamdaman ko?
"Azeria?"
"Ha?"
May paninimbang ang mga mata nito, kaya bahagya akong nailing.
"Ang sabi ko kung ayos lang ba sa'yo ang bumiyahe?" sa aking tiyan bumagsak ang paningin niya. Pati tuloy ako ay napatingin na rin sa tinitignan niya.
Walong buwan na ang tiyan ko, mabuti sa mga nagbubuntis ang minsang paglalakad. Ika nga nila para mabawasan ang sakit ka pag nanganak na, pero ang pagbibiyahe. Lalo na kung nakaupo pa, hindi ko 'ata kakayanin. Kaya walang alinlangan akong umiling.
"Hindi ko kakayanin ang matagal na biyahe Rezoir."
"She's right kuya, malaki na ang tiyan ng girlfriend mo. Tapos gusto mo bumiyahe kasama siya, ano, sira utak mo?"
Girlfriend.
Nagkatinginan kami ni Rezoir, hindi man ako pumayag sa alok niya...kung gano'n girlfriend na niya ako?
"Then, I am not going to attend that damn meeting. I wouldn't dare to leave my girl here." Matigas na ani Rezoir. Nanlaki naman ang mata ko, oo natutuwa akong kinumpirma nito ang nasa utak ko. Ngayong nagkakaintindihan na kaming dalawa, masasabi kong maayos na.
Pero mukhang importante naman 'ata ang meeting na dapat niyang daluhan, kung inaalala niya kami. Nariyan naman sila aling Luleng, hindi naman nila ako pababayaan.
"I-I think you should go, importante ang meeting na dadaluhan mo hindi ba?" marahan kong hinahaplos ang tiyan ko. "Kung inaaalala mong tatakbo ako sa pagkakataong 'to hindi 'yon mangyayari dahil malabo."
"Exactly!" singit ni Reign nang tignan siya ng masama ng kanyang kuya, agad itong napasipol.
"Babalik ako kinagabihan kung gano'n."
"Sige para tangayin ka ng alon." Si Reign.
"Aalis ka o ano?" pagbabanta ni Rezoir, napakamot naman ako sa ulo. Aalis na sana ako no'ng pinigilan ako ng mga kamay niyang ngayon ay nakapulupot na sa bewang ko. At agad nitong inilagay ang ulo sa bandang balikat ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o mangingiwi rin tulad ni Reign na todo ngiwi habang nakatingin sa amin.
"Way to ruin my mood, nice tactic. But well, if you don't want to go. I think Rajih will the one who attend the meeting, and you should call him kuya. Magtatagal rin ako sa dito sa isla, kaya si kambal muna ang hahawak sa kompanya mo." Speaking of, gusto ko rin malaman kung bakit siya nagtayo ng sariling kompanya. Gayong maraming gusali na ang pinatayo ng pamilya niya sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Nang mawala na si Reign sa paningin namin, hindi pa rin umaalis si Rezoir sa likuran ko. Akala ko nga nakatulog na, pero nang maramdaman ko ang kamay nitong humahaplos sa tiyan kong malaki na. Hindi ko alam kung papaano maipapaliwanag ang nararamdaman ko.
Malakas ang ihip ng hangin, hinahayaan ko siyang manatili sa likuran ko at masuyong hinahaplos ang tiyan ko. Payapa, napakapayapa ang paligid. Ang agos ng karagatan na siyang nagpapakalma sa akin ng ilang pagkakataon, pero ngayong kulong ako sa mga bisig ni Rezoir. Hindi ko akalaing mas may ipapayapa pa pala.
"D-did he j-just k-kick?" manghang anito. Marahil pati ang bata ay naramdaman ang sariling ama. Malamlam ko siyang pinagmamasdan nang agad itong umalis sa likuran ko, at agad na lumuhod sa harapan ko para hawakan ulit ang tiyan ko. At nung idikit nito ang tenga sa aking tiyan, muli ay sumipa na naman ang anak ko sa paghawak mismo ng kanyang ama sa tiyan ko. "He kicked!" tawa niya.
He.
"P-paano mo nalaman na lalaki ang anak mo?" nagtataka kong tanong. Wala akong naaalala na nabanggit na kina Reign at Don Sebastian na lalaki ang nasa sinapupunan ko. Kaya talagang nagtataka ako kung paano nalaman ni Rezoir. "Of course, baby I know, galing siya sa akin. Ramdam ko kung babae o lalaki."
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Simpleng saad niya. Gano'n rin ang anak niya, ramdam niya ang presensya ng kanyang ama. Nagtagal kami ng ilang oras sa tabi ng dagat, walang pag-uusap na naganap. Tahimik lang naming pinagmamasdan ang karagatan, hindi na pag- uusapan ang nakaraan. Maraming oras at pagkakataon pa para maitanong ko sa kanya ang mga bagay na gusto kong malaman at tanungin, sa puntong 'yon hinayaan ko muna ang kagustuhan ng sarili.
Ang manatili sa tabi niya na walang inaalala.
Pagdating ng hapunan, nagkaroon ng salo-salo. Buddle fight ang nangyari, nasa tabi ko si Rezoir. Mabuti at nakisama ito, at isa pa nangyari naman ang ganitong salo-salo dahil sa kanila. Akala ko nga hindi siya palakiusap sa iba, pero nasasabayan naman niya ang mga biruan ng mga matatanda.
"Tumawag na ba sa'yo si Mark hija?" tanong ni manang Luleng, sila ang nasa unahan namin kasama nito si aling Iming. Umiling ako sa kanya. "Hindi po Manang."
"Tumawag siya kanina at sinabing matatagalan pa bago ulit makabalik dito sa isla. Kung tumawag siya bukas, mas mabuti sigurong sabihin mo na kumontak rin ito ng kaibigan na doctor. Mahirap na at due muna sa susunod na buwan." Nakakahiya sa tao, pero kung iyon ang ikakabuti ko. Hindi na masama ang ideya ni manang Luleng.
"Naku tiyak na papayag si Mark hija, isa pa hindi naman nito hahayaang maghirap ka. Hay naku, na pa ka sweet ni Mark pagdating sa'yo!" natutuwang ani aling Iming. Agad naman siyang siniko ni aling Luleng, marahil alam na rin ng matanda ang totoo. Ramdam ko ang bigat na pagtitig sa akin ni Rezoir sa aking tabi, ngunit nang balingan ko siya iwas ang mga mata niya.
Akala ko nga galit ito, pero patuloy naman ako nitong pinagbabalatan ng shrimp. Kaya ipinagsawalang bahala ko na lang ang pagiging tahimik nito, minsan ay nahuhuli ko ang mga tingin ni aling Luleng para bang may gusto itong sabihin. At nung inaya na ng mga kalalakihan kalaunan si Rezoir, mabilis pa sa alas kuwatro na pumunta sa tabi ko si manang Luleng.
"Sa cabin mo raw matutulog ang apo ni Don Sebastian, alam mo ba kung gaano ako nagulat ng malaman kong apo pala ng isang Hillarca ang pinagbubuntis mo ha?! Nagsisi tuloy ako na payuhin kang hintayin ang tamang panahon, naku... kaya pala panay ang balita ko kung gaanong sakit ng ulo ang ibinibigay ng unang apo. Iyon pala, ikaw pala ang dahilan ng pagiging matigas niya."
"Ano pong ibig niyong sabihin manang."
"Iyong tungkol sa meeting na dapat daluhin ni Rezoir, ay mga importanteng tao na siyang makakatulong para isalba ang itinayo niyang kompanya. Magmula kasi nawala ka...napabayaan na niya ang kompanya nito, sa puntong kulang na lang ay angkinin na ng iba ang pagmamay-ari nito. Nitong mga buwan lang rin umayos ayos daw si Rezoir, ngunit ngayong nakita ka na niya. Natitiyak kong mas magiging maayos pa Azeria."
Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapatingin rito, sakto namang tumingin siya sa gawi ko. Masiyado ko bang minaliit ang nararamdamang meron siya, hindi ko lubos akalain ang tulad niyang ginagabihan araw-araw sa sariling kompanya. Kayang pabayaan nang ako'y mawala sa kanyang mga mata, malaking pagsisisi na naman ang nararamdaman ko.
Ang magsisisi na lang 'ata ang mararamdaman ko sa muling pagkikita naming mismo. Kung hinintay ko ba siya sa araw na iyon, hindi kaya kami hahantong sa ganitong pagkakataon?
Habang pinagmamasdan ko siyang nakikihalubilo sa iba, isa lang ang napagtanto ko. Mahirap talaga ka pag pinangunahan ng galit at pangamba, makakagawa ka ng hindi pang matiyakang desisyon.
"O-oh, bakit umiiyak ka?" gulat na ani Luleng. Umiling ako sa kanya at pinahid ang luha.
"N-ngayon ko lang napagtanto na naging makasarili ako manang. No'ng iwan ko siya...sarili ko lang ang iniisip ko. Ni hindi sumagi sa isip ko na makakagawa siya ng mga bagay na tiyak kong hindi mangyayari, pero sa huli ako pa rin ito ang mali."
"Naku oo...hay, nangyari na ang nangyari Azeria. Gayong alam mo na, aware ka na sa nararamdaman mo para sa kanya. Ano pa ba ang pumipigil sa'yo? Kitang kita ko kung gaano ito kaseryoso sa'yo, marahil mahirap talaga ka pag walang tiwala. Ngayong may pagkakataon...bakit hindi mo siya hayaang ipakita sa'yo ang totoo?"
Ano nga ba ang kinatatakot ko, ang sabihing mali lahat ng desisyon ko. Napahaplos ako sa tiyan ko, pamilya ang dahilan sa takot na nararamdaman ko. Malayong malayo ang Azeria noon na nasa hacienda ang aking nakikita ka pag nakatingin ako sa salamin ngayon. Hindi ko kayang harapin ang mga dismayang maibibigay sa akin ng mga tao, oo tinatawag akong perpekto na siyang pinapangatawan ko. Gayong nangyari ang ganito, sa huli heto't hindi alam kung saan magsisimula. "Hindi mahalaga ang salita ng iba kung gusto mo talagang maging masaya Azeria,” dagdag pa ni manang Luleng. "Halatang mahal mo si Rezoir sadyang may isang pader lang na gusto mong huwag matibag, kahit alam mong kaya niyang tibagin ito. Minsan ang pagiging kalkulado ay ang mga bagay rin na hindi magpapasaya sa'yo, bagkus tatangayin ka sa daang magbibigay sa'yo ng problema." "N-ngunit, hindi pa nagtagal ang aming pagkakakilala manang. Paano kung hindi ako maging kalkulado sa pagkakataong ito, masasaktan na naman ako." "Ang sakit ay parte na ng ating buhay Azeria, talagang masasaktan ka sa bawat panahon at oras. Hindi 'yan maiiwasan anak."
Wala na akong nasabi kay manang, lahat naman binibigyan ko ng sagot. Sagot na siyang sasalungat sa totoo kong nararamdaman. Lumalalim na rin ang gabi kaya hindi ko maiwasang hindi mapahikab, nasa gano'n akong tagpo nang mapatingin sa gawi ko si Rezoir. Napanguso ako no'ng bumulong ito sa kanyang kapatid at ang sunod ay tumayo na ito at papunta na ngayon sa gawi ko.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Oh, iyan na boyfriend mo Azeria. Gabi na rin mas mabuting magpahinga ka na, teka at kukunin ko lang ang lampara." si aling Iming. Hinihintay pa kasi nito si aling Orlando, para sabay na silang umuwi.
"Sige manang, salamat." Sinundan ko itong pumunta sa kubo para kumuha nga ng lampara.
"Hey," paos ang boses nito at amoy ko rin ang alak sa bibig nito. "it's getting cold, let's go home." Tumango ako, hindi ko alam kung saan niya nakuha ang jacket. Pero alam kong sa kanya ang jacket dahil na rin sa pabangong naaamoy ko, agad ko naman itong isinuot dahil kanina pa nga ako nilalamig.
Pinagmasdan ko siyang kinuha ang mga palad ko at nangunot ang noo.
"Sobrang lamig ng kamay mo, you should call me baby. Why did you wait here hmm, pumasok ka sana sa kubo."
"Baka makatulog ako ro'n, kaya dito na ako naghintay."
"I can carry you, are you waiting for someone else?" sinisilip ko kasi kung nariyan na ba si aling Iming.
"Si aling Iming, kinuhanan niya tayo ng lampara," Saktong lumitaw naman na si aling Iming. Agad na akong tumayo, inalalayan pa nga ako ni Rezoir. "Hindi ka ba lasing? Hindi ba dapat ako ang umalalay sa'yo?"
"I'm not drunk babe, konti lang ang ininom ko."
"Heto ang lampara, mag-iingat kayo pauwi." kukunin ko na sana ang lampara pero agad na itong kinuha ni Rezoir sa kamay ni aling Iming. "Kayo rin po, mag-iingat kayo."
Tumango ito no'ng magpaalam na rin si Rezoir. Agad na kaming lumakad pauwi. Maraming mga bituin ang nasa kalangitan ngayong gabi. Bahagyang nauuna si Rezoir sa paghahakbang, pero sapat lang para magkasabay pa rin kami. "Nakikita ko kung gaano ka kamahal ng mga tao rito," panimula niya. "ikaw ang bukang bibig nila, that Mark too." bahagya ko siyang sinilip nung mabanggit nito si Mark. Si Rezoir kasi 'yong taong iilagan mo sa unang tingin, ang mga matang matatalim na tumititig. Mga nagsasalubungan na kilay na galit na galit, pagbaling niya pa lang sa gawi mo. Ayaw mo ng mahuli na siya ang tinitignan mo, oo no'ng una pa lang alam kong ang tulad niya ang wawasak sa pagiging perpekto ko. At tama ako, ang gaya niya ang sa akin magpapabago.
"He is my boss." sagot ko.
"And so do I, baby. Doon tayo nagsimula," tumigil ito. "I know I'm a freaking asshole or bastard, that we spend the night the fact that was a mere stranger to each other. Tell me Azeria...that Mark, is he...like me?"
Kahit kitang kita ko ang pagiging hesitado nito sa tanong nito, halatang ang bagay na ito pa ang kanyang inaalala magmula kanina. Tama naman siya, were a mere stranger. But in just a second...we become a lover.
Takot siyang marinig galing mismo sa akin, na maaaring ang nangyari sa amin ay gano'n rin kay Mark. Pero hindi, nasabi na sa akin ni Mark ang kanyang nararamdaman. Ngunit hindi tulad kay Rezoir hindi ko ito kayang suklian. Akala ko dahil siguro bago ako sa ganito, kaya nangyari ang sa amin ni Rezoir. Pero dahil kay Mark napatunayan kong si Rezoir lang ang kayang magpatibok ng puso ko, kaya siguro kahit anong tanggi ng isip ko ngunit hindi ang puso. "W-why do you want to know?" ilang buwan Rezoir. Ilang buwan ang lumipas, talaga bang sa akin lang umikot ang mundo mo?
"I-I just want to know, kahit anong sagot Azeria. Hindi naman magbabago ang plano ko, kung kinakailangang ligawan kita...gagawin ko."
Bakit, ngayong unti-unti kong nakikita kung gaano kalalim ang nararamdaman mo para sa akin. Bakit hinayaan niya tayong paghiwalayin na dalawa? Nasasayangan ako sa buwang hindi ko siya kasama, kahit sariling kagustuhan kong umalis... sa kaalamang ginawa niya lamang akong tanga.
May sariling mga pag-iisip ang mga paa, at kamay kong lumapit sa kanya at siya'y mahigpit na niyakap. Pumunta ako sa Manila para patunayang kaya ko na, na kaya ko ng gumawa ng pansariling desisyon. Ngayong gumawa ako ng pansariling desisyon, hindi ko lubos isipin na masasaktan ako ng ganito. Na sinasampal lang sa akin sa kahuli hulihan, na wala akong nagawang tama.
"I-I'm sorry," hikbi ko. "K-kung sana hinintay kita sa araw na 'yon, hindi sana tayo nagsayang ng oras at panahon. I am sorry for hurting you, I guess...masiyado lang akong naging immature dahil baguhan ako sa ganitong bagay." "Sssh, don't fucking say that. You're not immature...eight months. Eight fucking damn months baby, nakaya mong mag-isa. A-alam mo bang sising sisi ako, nung marinig kong you passed out dahil sa walang humpay na pahinga. Ako dapat e'...ako dapat ang nagbibigay ng mga kinakailangan niyo. Ako ang lalaki dito, yes I am fucking hurt and mad went you left without traces. But I swear baby...nung mawala ka. Doon ko napagtantong, mahal na mahal kita. Hindi dahil sa nagandahan lang ako no'ng una, alam ko...ikaw na. ikaw na talaga." He cupped my face, at siya na rin mismo ang pumahid sa mga luha ko.
"I know it fucking stupid to say this thing, but, when you escape...some things went crystal clear to me. Hindi pala dahil sa naintriga ako sa pangalan mo, alam ko... tinatakpan lang ng kuryosidad ang totoo kong nararamdaman."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report