Nevada, USA

"I, LEVI, choose you, Denise, to be my wife. In front of our friends and family, I promise to love and cherish you through every obstacle that may come into our path."

Maggy tried hard to suppress her tears. Isang selebrasyon ang ipinunta niya sa simbahan at ipinangako niya sa sariling hindi siya iiyak. Pero parang hiniwa ang puso niya nang makita ang pagguhit ng matamis na ngiti sa mga labi ni Levi habang titig na titig sa ngayon ay asawa na nitong si Denise. Sa kanya lang dati nakalaan ang ngiting iyon at ang nakikitang kislap sa mga mata nito, para sa kanya dati iyon.

Talagang hindi siya dapat umiyak. Dahil ginusto niya ang mga nangyari. Hinayaan niyang makawala si Levi kapalit ng kanyang misyon.

Mariing nakagat ni Maggy ang ibabang labi. Dapat ay nagpapahinga na siya sa isang hotel nang mga sandaling iyon dahil ilang oras na lang ay nakatakda na ang pagbabalik niya sa Pilipinas. Pero sa halip ay naroroon siya para saksihan ang pagpapalitan ng mga pangako ng mga ikakasal sa isa't isa. Gusto niyang sa huling pagkakataon ay makita ang dating boyfriend at kumbinsihin ang sarili na tama ang ginawa niyang pagpapalaya rito.

Levi had finally found his match.

At base sa nakikita ni Maggy na pagmamahal na nakarehistro sa mga mata ng bride, alam niyang tama ang kanyang naging desisyon. Nagmamahalan ang mga ikinakasal. Iyon naman dapat ang mahalaga. Nang makitang isinusuot na ni Levi ang singsing sa daliri ni Denise ay mabilis at walang ingay na tumalikod na siya at lumabas ng simbahan. Dumeretso siya sa nakaparadang kotse ng matalik na kaibigang si Clarice na kasalukuyang nananatili ng ilang araw sa Nevada nang mga sandaling iyon kasama ang halos tatlong linggo pa lang na asawa nitong si Alano. Nasa business conference ang huli kaya nasamahan siya ni Clarice nang araw na iyon.

"I can't believe you actually let someone steal your man," napapailing na bungad ni Clarice nang makasakay na si Maggy sa kotseng nirentahan ng kaibigan.

Muling nanikip ang dibdib niya. "Mas marami pang importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa pag-ibig, Clarice. You damn well know that. Hangga't hindi natin napababagsak si Benedict McClennan, hindi ako kahit kailan matatahimik."

Nang paandarin na ni Clarice ang kotse, sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nilingon ni Maggy ang simbahan. Mayamaya ay sumandal siya sa kinauupuan at mariing ipinikit ang mga mata. Pumasok sa isipan niya ang nakitang ngiti sa mga labi ni Levi habang nakatitig sa bride nito. She breathed painfully. Sa kanyang pag-alis, babaunin niya sa puso ang ngiti nitong iyon. "Then why on Earth did you have to watch your ex-boyfriend's wedding?"

"Para matuldukan ko na ang lahat ng namagitan sa amin. I had to pine for the last time." Mapait na ngumiti si Maggy. "Perhaps I would have a shot of the strongest liquor once I get back to Manila. Pero hanggang doon na lang 'yon dahil misyon muna bago ang lahat. Ikaw..." Dumilat siya at binalingan ang kaibigan. "Hindi mo pa ba nakukuha ang shares sa kompanya nila? Wala ka pa bang napipirmahang kahit na anong dokumento? Wala ka pa bang nalalaman tungkol kay Benedict? Kailan ba matatapos ang kasal-kasalan n'yo ni Alano? Goodness, Clarice," naipilig niya ang ulo. "Just the thought of you married to the man makes me want to puke."

Nag-iwas ng mga mata si Clarice at itinuon na lang ang buong atensiyon sa pagmamaneho.

Kumunot ang noo ni Maggy nang mapansing biglang natensiyon ang kaibigan. "May problema ba?"

“W-wala naman. Hindi ko pa nakikita si Benedict. At wala pa rin akong napipirmahang kahit na anong dokumento. Pero bigyan n'yo pa ako ng oras at sinisiguro kong makakakuha na rin ako ng impormasyon.” "Good. But better hurry, all right? Para makawala ka na kay Alano." Mayamaya ay marahas na bumuntong-hininga si Maggy. Hindi na sana sila makokompromiso pa sa mga anak ni Benedict kung hindi lang sumablay ang karma sa gawain nito. Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay tumindi ang galit sa puso niya.

Gagawin niya ang lahat makaganti lang sa taong nagpapatay sa mga magulang nila ng kakambal. Hindi siya titigil hangga't hindi nasisingil si Benedict. Sisiguruhin niyang magbabayad ito nang malaki sa kasalanan sa kanya.

Kaya Austin, humanda ka. Your father took me to hell over and over again for the past years. And I swear, I'd take you there as well.

Naikuyom ni Maggy ang mga kamay. Hindi na sana aabot pa sa ganito ang lahat kung ginawa lang ng karma nang maayos ang trabaho nito.

You are one lucky bastard, Benedict. Karma seems to be on a sick leave for the past years. Pero wag kang mag-alala. Dahil sa pagbabalik ko, sisiguruhin kong ako ang magiging karma mo.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report