[Chapter 8]

0000 0000000 000000 00000

0000000, 00000000 1789 "Señorita." umaalingawngaw ang boses ni Ursula sa pasilyo ng ikalawang palapag ng pamilya Estrella, siya ang katulong na naatasang gumising sa Señoritang si Carina na isa sa kambal na anak nina Don Idelfonso at Doña Catalina Estrella. Makailang beses na niyang tinawag ang dalaga ngunit wala pa rin siyang tugon na naririnig mula rito.

"Señorita, ipagpaumanhin ho ninyo ngunit akin nang bubuksan ang inyong silid." binuksan niya ang silid ngunit napahawak na lamang siya sakanyang noo nang mapagtantong naisahan na naman sila ng dalaga.

Sa kabilang dako ay masayang nagtatampisaw sa ilog ang dalagang si Carina, magbubukang-liwayway pa lamang ay nagtutungo na siya sa ilog na malapit sa kanilang hacienda upang pagmasdan ang pagsilay ng araw at upang maligo na rin sa malamig na agos ng tubig sa ilog.

Halos araw-araw na niya itong nakagawian na kung saan ay inuunahan niya ang kanilang mga katulong na maagang naglalaba ng kanilang mga kasuotan at kurtina sa ilog.

"Tila kay ganda ng iyong gising haring araw!" nakaupo na siya ngayon sa lilim ng isang puno sa tapat ng ilog, madalas niya ring kasama sa pagtakas ang kanyang alagang si Pina, na kulay puti at isang mabalbon na aso.

Ilang sandali pa ay namataan niya mula sa malayo ang paparating na si Ursula, ito'y nagmamadali habang hawak hawak ang kaniyang magkabilang saya.

"Señorita Carina, inyo ho bang nakaligtaan na ngayon ang inyong unang araw sa pag-aaral ng musika?" hinihingal pa ma'y kailangan niya na agad itong ipabatid sa señorita sapagkat ilang sandali na lamang ay mahuhuli na ito sa kaniyang klase.

"Ito'y aking nababatid Ursula, sa pakiwari ko'y maaga pa naman kung kaya't sinasamahan ko muna si Pina sa paglalakad-lakad." magiliw na tugon ng señorita sa kaniyang tagapagsilbi.

"Kayo'y nagkakamali Señorita sapagkat ilang sandali na lamang ay magsisimula na ang inyong klase! Halina't kanina pa ho kayo hinihintay ng inyong kapatid." napahawak na lamang ang señorita sa kaniyang noo sa pagkadismaya, inakala niya'y maaga pa upang mag-ayos sa kaniyang pasok.

0000000 na nakarating si Carina at ang kaniyang kambal na si Catrina sa kanilang paaralan. Siya ay mag-aaral ng musika habang pagburda at pagpinta naman ang nais ng kaniyang kakambal.

Si Catrina at Carina Estrella ay pawang sabay ipinanganak ngunit malayo ang kanilang mga itsura sa isa't isa kung kaya't 'di tulad ng ibang mga kambal na magkamukhang-magkamukha ay natatangi ang magkapatid.

"Carina? Ikaw ba iyan aking kaibigan?" napatingin si Carina sa kaniyang likuran kung saan nagmumula ang tinig, nakita niya ang isa sa kaniyang matalik na kaibigan na si Juliana.

Agad na lumapit si Juliana kay Carina nakasuot ito ng puting baro at pulang saya, mayroon din itong hawak-hawak na mga libro. "Juliana, kamusta aking kaibigan?" nagbeso ang magkaibigan.

"Huwag niyong sabihin na riyan kayo magbabatian sa pasilyo?" natigil sila nang may sumabat sa kanilang pag-uusap. Nakita nila si Josefa na isa rin nilang kaibigan. Ito naman ay nakasuot ng bughaw (0000) na baro at dilaw na saya na may mga burdang bulaklak.

"Kay aga-aga ay tila mainit na naman ang iyong ulo Josefa! Ikaw yata'y napagalitan na naman ng iyong ama." natawa na lamang silang tatlo sa tinuran ni Juliana.

Si Carina, Josefa, at Juliana ay mga magkababata at matatalik na magkakaibigan. Noon pa man ay sandalan na nila ang isa't isa, sila rin ay nabibilang sa maiimpluwensyang pamilya sa bayan ng Rosario sa Batangas kung kaya't ano man ang kanilang naisin ay naibibigay sa kanila ng kanilang mga magulang.

Sabay-sabay na naglalakad sa mahabang pasilyo ng paaralan ang magkakaibigan, 'di nila alintana na ilang minuto na lamang ay mahuhuli na sila sa kanilang klase.

"Inyong huwag ipagsawalang bahala ang ating pagpasok sa musika, lubhang mahigpit sa mga alituntunin ang ating maestro." ani Juliana, liban sa kaniyang mga kaibigan ay sanay na siya sa mga patakarang ipinatutupad ng kanilang guro na si Maestro Salvador.

"Siya'y lubhang mahigpit ngunit sa kabilang banda naman ay isang mahusay na Maestro sa musika!" patuloy pa ni Juliana. Nakikinig lamang ang kaniyang mga kaibigan, si Carina ay natutuwa sa kaniyang mga naririnig habang si Josefa naman ay hindi na makapaghintay pang matuto mula sa nasabing guro.

"Kapag may binubuong komposisyon si Maestro ay itinitipa niya ito sa piano, isinusulat sa papel, itinitipang muli, binabago, at pinapaulit-ulit ito hanggang sa mabuo ang kaniyang obra." dagdag pa ng dalaga, hindi na maipinta ang mga mukha ng kaniyang mga kaibigan na ngayo'y abot-tainga na ang mga ngiti dahil sa kanilang mga napakinggan.

Nang marating na nila ang kanilang silid-aralan ay nagbigay daan ang iba pa nilang mga kamag-aral upang magkakatabi sila sa kanilang mga upuan, sa una'y pinigil sila ni Carina ngunit sa huli'y napapayag din siya ng kaniyang mga kaibigan. Agad na nabalot ng nakabibinging katahimikan ang silid ng dumating ang kanilang maestro. Si Maestro Salvador Vicencio ay kilala sa kaniyang angking galing sa musika, labis siyang hinahangaan ng marami kung kaya't marami ang nagpupursigeng pag-aralin ang kanilang mga anak sa pumumuno ni Maestro Salvador. Siya ay may matikas na tindig, nasa edad apatnapu na rin siya ngunit wala pa ring asawa dahil sa labis na pagkahilig sa musika. "Magandang umaga aking mga mag-aaral." maikling bati niya habang inilalagay ang hawak na aklat sa lamesa.

"Magandang umaga po Maestro." pabalik na pagbati naman ng mga estudyante.

"Inyong nababatid na ito pa lamang ang unang araw ng dalawa pa ninyong kamag-aral dulot ng pagkansela ng kani-kanilang mga byahe dahil sa isang mapaminsalang masamang panahon sa Maynila." panimula ni Maestro Salvador, ipinagpaliban ang pagpasok nina Josefa at Carina na pawang nagbakasyon sa Maynila dulot ng halos isang buwang sama ng panahon, hindi makapag-byahe ang mga barko pati na rin ang mga kalesa dahil sa maputik na daan at mahanging karagatan.

"Ngayon ay naririto na sila, pagbati at masigabong palakpakan sa ating magagandang Señorita na sina Señorita Carina Estrella at Señorita Josefa Fernandez." pagpapakilala niya sa kaniyang mga bagong mag-aaral. Pumunta naman ang magkaibigan sa unahan at masayang bumati sa kanilang mga kamag-aral.

☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐ ng magkakaibigang Carina, Juliana, at Josefa na maglakad-lakad matapos ang kanilang klase. Sila ay kumain sa panciteria ni Aling Trining, at pumunta sa mga pamilihan ng inukit na kwintas at pulseras.

Magtatakipsilim na nang mapagpasiyahan nilang maghiwa-hiwalay na at umuwi, nauna na sina Josefa at Juliana samantalang naghihintay naman si Carina sa kalesang susundo sa kaniya.

Siya ay nag-aantay malapit sa may simbahan, kung kaya't naisipan niyang maglakadlakad saglit sa paligid habang naghihintay.

Sa kaniyang pagliko sa isang malaking puno ay tumambad sa kaniyang harapan ang tatlong lalaki, nagulat siya sa mga sumunod na ginawa ng isa sa mga ito.

"Magandang gabi Binibini." napapaatras na lamang si Carina habang dahan-dahang lumalapit sa kaniya ang lalaki na nakasuot ng puting kamiso at bughaw na pang-ibaba. "Ikaw ay huwag matakot, gusto lamang kitang kilalanin." sarkastikong saad pa nito.

Wala pa mang ginagawa ang lalaki ay labis na ang kaba na nararamdaman ng dalaga, alam niya sa kaniyang sarili na kapag ganoon ang kaniyang nadarama ay nasa isang masama siyang sitwasyon. Akmang dadamputin na ng lalaki ang puyod ni Carina na may nakaukit na mamahaling pilak nang may sumabat sa kamay nito.

"Ano saiyong palagay ang kapangahasang iyong ginagawa ginoo?" natigilan ang kawatan sa kaniyang ginagawa. Napatingin naman si Carina sa lalaking ngayo'y nasa harap na nila, nakasuot ito ng itim na abrigo na tila bagong dating pa lamang mula sa isang mahalagang okasyon. Masasalamin din sa mukha ng lalaki ang karangyaan na tinataglay nito.

"A-Ako'y nakikipag-usap lamang sa binibining iyan S-señor. Ipagpaumanhin ho ninyo ngunit mali ang inyong inii-" hindi na natapos pa ng kawatan ang kaniyang sasabihin dahil muling sumabat ang binatang ngayo'y matikas nang nakatindig. "Nakikipag-usap?" bahagya itong ngumisi. "Nakikipag-usap nang may patalim at may mga kasamahang iba pang kawatan." nagulat ang kawatan sa kaniyang tinuran. "N-Ngunit―" muling nagsalita ang binata.

"Isa pang mapanlinlang na salita at hindi ako magdadalawang isip na kayo ay ipadakip!" nagulantang ang tatlong kawatan sa sinabi ng lalaki kung kaya't mabilis na kumawala ito sa kaniyang kamay at agarang nilisan ang lugar. Marahang pinagpagan ng lalaki ang kaniyang mga kamay bago ito lumingon sa dalaga na ngayo'y natuod na sa kaniyang kinatatayuan, hindi niya na malaman ang gagawin dahil ito ang unang beses na may nagligtas sa kaniya sa kapahamakan.

Sa paglingon ng binata ay diretsong nagtama ang kanilang mga mata ni Carina, hindi nila maintindihan ngunit tila kapwa pumasok sa kanilang mga isipan na nagkita na sila ngunit hindi nila iyon matandaan kung kailan.

Sa magulong mga ideya na pumasok sa kanilang mga isipan ay dahan-dahang umimbay ang mga dahon sa paligid, kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ng gabi at unti-unting pagkinang ng mga bituin sa kalangitan ay ang kuryosidad na ngayo'y sumusuot sa rurok ng kani-kanilang mga isipan.

"M-Maraming salamat, Ginoo. Inyong ipagpaumanhin ang abalang aking naidulot sainyo. Ako'y magtutungo na." nagbigay galang na muna si Carina sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang magkabilang saya bago naglakad papalayo, ngunit nakakatatlong hakbang pa lamang siya ay nagsalita ang binata sa kaniyang likuran.

"Kung iyong mamarapatin binibini, maaari ba akong magtanong?" banggit ng binata.

Napalingon ang dalaga, "Kayo ay nagtatanong na hindi ba?" mariing sambit naman ng dalaga.

"Ako'y humihingi lamang ng permiso sa pagtanong binibini. Maiba ako, tayo ba ay nagkita na buhat noon? Inyong ipagpaumanhin ngunit ikaw ay lubhang pamilyar saakin." natigilan si Carina sa sinabi ng binata...

rieteratura

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report