[Chapter 2]

"0000? Are you okay?" natigilan ako ng may magsalita sa likuran ko, kanina pa pala ako nakaharang dito sa pila sa CAPA (Canteen Pavilion) habang hawak hawak ang aking tray na kanina pa mayroong mga pagkain. Dali-dali akong hinugot at kinalabit ng aking mga kaibigan papalayo sa pilang 'yon habang patuloy na humihingi ng paumanhin sa mga estudyanteng naabala ko.

"Ano na naman bang nangyari sa'yo Issafarah Wynter Florida Alcantara???" ang mga kaibigan ko talaga 'pag nag-aalala buo kung tumawag ng pangalan with middle name pa! "Bakit parang balisa ka? Are you out of your mind Far?" ani Isha. "Umayos ka riyan, alam mong mamaya na gaganapin ang lantern exhibition, baka ma-miss mo pa." dagdag pa nito. Bigla ko tuloy naalala ang sikat na lantern exhibition sa unibersidad na ito, ginaganap nila ito bawat taon sa tuwing sasapit ang disyembre at bilang isang freshmen student, unang pagkakataon ko pa lamang itong makikita ng personal.

"Guys, chill okay?" pagpapatigil ko sa pag-aalala nila. "Masyado lang siguro akong nagutom, look wala pa akong kain simula kaninang umaga hehe." dagdag ko pa, ayaw ko namang aminin na isa pang dahilan ay ang pagtatatakbo ko para mahabol lang 'yong misteryosong bata at isa pa 'tong ilang beses akong muntikan nang maaksidente kakakaripas ng takbo.

00000000000, nakatingala ako sa kalangitan habang nakaupo sa tabi ng isang puno, hinihintay ko sina Isha at Aliza na bumili ng snacks na kakainin daw namin once magsimula na ang lantern exhibition.

Makikita ang sigla ng kalawakan sa dami ng bituin na nag-uumapaw ang kinang. Kung titignan naman ang kapaligiran, tila isang abalang komunidad ang mga estudyante't gurong parito't paroon lalo na 'yong mga kasali sa mga gaganaping patimpalak. May nagsisitakbuhan, may mga bumibili, mga nag-aayos, nagpapractice, at tulad ko'y may mga nakaupo sa lilim ng mga puno sa gitna ng maliwanag na ilaw na pumapalibot sa bawat sulok ng aming paaralan.

Ang lantern exhibition ay sikat na aktibidad dito sa aming unibersidad, it has only been a few years since it was held at this university but it quickly became popular in the eyes of the audiences. Ginaganap ito bilang pagsalubong na rin sa maagang kapaskuhan sa ating bansa. Dito'y nagpapalipad at nagpapailaw ng iba't ibang klase ng mga parol. May mga disenyong kerubin, belen, at marami pang iba.

"Farah? Is that you?" saad ng babaeng natigilan sa aking harapan. I can't guess if who is she.

"Y-Yes? And you is?" nauutal na sagot ko naman.

"Hey, don't you remember your former senior? Magtatampo na talaga ako sa'yo!" she replied while crossing her arms. Ngayon ko lang napagtanto, siya pala 'yong senior ko while I was in Highschool! 'yong nakakasama ko sa tuwing may choir kami noon.

"Ate Cindy Dominguez?" gulat na tanong ko. Nakakunot noo siyang tumango, nagtatampo pa rin, gosh.

"I'd never thought that you'll forget me, especially my pretty face." puppy eyes, agad akong tumindig at niyakap siya. Matagal na rin nang huli ko siyang makita, and now we're both studying in the same university, again. "Sorry na nga eh. Mas bata ka pa ring mag-isip sa'kin ATE." I uttered teasingly.

"Aisshhh! Ikaw talaga Farah!" napipikong tugon naman nito. Si ate Cindy ay isa sa kilalang mang-aawit noong Highschool pa lamang kami, maganda siya at may buhok na abot-balikat. Her grade were two-year ahead from me. Matagal-tagal din kaming nag-usap at matapos ang halos labinlimang minuto'y nagpaalam na siya na pupunta sa kan'yang mga kaklase.

Wala pa rin sina Isha at Ali, saan na kayang planeta napadpad 'yong dalawang 'yon?

Nakaupo pa rin ako sa may damuhan malapit sa puno, tinukod ko ang aking mga kamay sa damuhan at aktong tatayo na nang mapansin kong may wallet na kulay pink mula sa inupuan ko. Binuklat ko ang wallet, nagbakasakaling may makitang pangalan o larawan ng nagmamay-ari roon.

Kay Ate Cindy ang wallet!

Hindi ako nagdalawang isip na habulin si ate Cindy, nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap siya, nakita ko siyang kasama ang mga kaklase niya, yata, na naglalakad sa field sa gitna ng mga abalang estudyante. Muli, kumaripas na naman ako ng takbo at sa halos pangatlong pagkakataon ay nakasagi na naman ako.

Tumilapon ang wallet na hawak ko nang mabangga ko ang isang estudyanteng lalaki. Muntikan din sana akong madapa ngunit mabilis kong nai-balanse ang aking katawan.

Agad na pinulot ng lalaki ang wallet at iniabot saakin 'yon ngunit bago ko pa man makuha ang wallet sa kan'yang kamay ay nagsalita siya. "Ikaw na naman?" saad nito. "Wait, nagkita na ba tayo? Hindi ko nga matandaan eh..." gulat na tugon ko naman.

"It's you. Hindi ako magkakamali, ikaw 'yong natalisod sa may library, at 'yong muntik nang makasira ng phone ko kanina. Am I right, Miss?" mahabang pagpapaalala nito saakin. Gosh, sa lahat ng mga 'yon iisang tao lang pala ang nabangga ko? Shit! This must be crazy.

"Uhm, ikaw ang nabangga ko sa lahat ng pagkakataon na 'yon?.. I'm sorr---" hindi ko pa man natatapos ang aking sinasabi ay marahas akong kinabig ng lalaking kaharap ko gamit ang kanan niyang kamay dahilan upang lumapit ang aming mga katawan sa isa't isa. Natuod ako sa kan'yang ginawa at balisang tumingin sa kan'yang mukha, may katangkadan ang lalaki kung kaya't tumingala ako upang makita ang mukha nito. Pagtingala ko'y saktong tumingin din siya sa aking mga mata. Hindi ko alam ngunit isang pamilyar na pakiramdam ang aking naramdaman habang nakatingin sa kan'yang mga mata.

Mabilis kong ipinadyak ang aking kanang paa sa kan'yang paa dahilan upang mapabitaw siya saakin, "Ouch!" pagrereklamo niya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!" kunot-noong sigaw ko rito.

"Sorry, that wasn't my intention, okay? Do you see that?" turo nito sa isang malaking parol na pasan-pasan ng grupo ng mga kalalakihan.

"Look, kung hindi kita kinabig baka tinamaan ka na sa ulo ng dulo ng parol na 'yon at ngayo'y nakahandusay nang humihingi ng tulong." he said while grinning. So, sinasabi niyang lampa ako? Inirapan ko lamang siya. Mabilis kong inagaw iyong wallet sakan'ya at agad na umalis.

"Okay fine. Sorr---" paghahabol pa nito.

"Wala nang sorry sorry pareho na tayo may atraso sa isa't isa!" sigaw ko habang padabog na naglalakad. "Atraso, tss mas marami kang atraso." pabulong pang dagdag nito. "000, where have you been?" ani Ali.

"Sabi mo'y do'n mo kami sa puno malapit sa soccer field aantayin?" dagdag naman ni Isha, well I'm not in the mood to talk. Ikaw ba naman inisin ng 'di mo kakilala, like duh!

"Wait, kanina ang hyper mo eh. What happened? Na-bully ka ba? Pfft sa ganda mong 'yan mabubully ka pa, did someone harassed you Far?" sunod-sunod na tanong ni Ali. Ito talagang mga kaibigan ko dinaig pa si Mom at Dad kung mag- alala.

Ilang sandali pa'y may grupo ng kalalakihang mistulang dadaan sa lugar kung nasaan kami ng aking mga kaibigan, sa minamalas nga naman oh! Nakita ko na naman 'yong palagi kong nababangga, grrr.

Agad kung kinalabit ng tag-isa kong kamay ang mga kamay ng aking mga kaibigan at mabilis na kinaladkad ang mga ito papalayo sa mga lalaking paparating.

"Hey! Maghunos dili ka Far." saad ni Aliza.

"T-Teka, a-no bang nangya-ya-ri Far?" tanong naman ni Isha na tila yumuyogyog na ang boses.

Humahangos kaming tumigil sa tabi ng isang malaking puno ng narra. "Dito nalang tayo manood." hinihingal kong sambit.

"Kinaladkad mo kami ng gano'n para manood dito? Iyon lang ang dahilan? My God Farah." nagugulumihanang sambit ng dalawa.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Few seconds later, we all shouted with shock due to our astonishment.

It has already begun.

gitna ng madilim na gabi ay ang makukulay na pa-ilaw na pawang sumasabay sa indayog ng kislap ng bawat mga tala. Umiihip ang hangin na tila humahaplos sa bawat balat ng sinumang madaanan nito. Ang mga puno at damo ay nagsalo sa pagsayaw at ang kalangitan nama'y uminog ang kinang ng kasiyahan.

The sparks and the lights surrounded by millions of stars are really heart melting, I can't help but to be amaze and surprise every single minute.

Nagsimula ang lantern exhibition sa pamamagitan ng masayang pagbungad at ito ay natapos sa masiglang paraan. Lahat ay may bahid ng ngiti sa labi, hindi makapaniwala sa gandang nakita at umuwing may kinang sa kani-kanilang mga mata.

Every student are waiting for their parents or drivers to fetch them home, while I was stuck on the other side waiting for a taxi to pass around. Naka-day off ang aming driver, at nasa out of town business naman si Dad kung kaya't kailangan ko munang magcommute.

Kanina pa nakauwi sina Ali at Isha, pinipilit pa sana nila akong idaan sa bahay pero nagpumiglas ako dahil maaabala ko pa sila, iba't ibang direksyon ang daan patungo sa aming mga bahay. Ang direksiyon ni Isha ay sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa samantalang si Aliza naman ay sa Forbes Park sa Makati. Habang ako naman ay dito lamang sa Quezon City matatagpuan ang tahanan.

I am waiting for some vehicles to come when... I suddenly saw the kid. May bata pa bang maglalakad sa dis-oras ng gabi? It's already 9:50pm. Hindi naman siguro siya pababayaan ng mga magulang niyang maglakad mag-isa sa gitna ng gabi? Isa sa umagaw ng aking atensyon ay ang pamilyar na itsura ng bata.

He's the kid inside our university!

Balak ko sanang sundan ang bata ng mapansin ko ang grupo ng mga lalaki, students from our school. Are they drunk or what? Mas nagulat ako nang makita ang sunod na ginawa ng mga ito. May binubugbog sila!

Mahinahon kong sinundan ang mga 'yon, dinala nila ang isang lalaking sa tingin ko'y isa ring freshmen student sa isang madilim na sulok. Tila may pinag-aawayan sila. Hindi ko sila gaanong marinig, mula sa pinagtataguan kong pader. Ilang sandali pa'y nagulantang ako at pilit na kumakawala nang may tahasang nagtakip ng aking bibig at dinala ako sa isang sulok "Pssshhh..." sabi nito. Agad kong inapakan ang kanyang paa at mabilis na inagaw ang kan'yang mga kamay papunta sa kan'yang likuran. Nag-aral ako ng self-defense para panangga sa mga gipit na pagkakataon at hindi ko akalaing magagamit ko ito sa pagkakataong ito.

Agad na kumawala ang lalaki sa pagkakahawak ko at sabay na itinaas ang dalawang kamay nito, 'yong tipong sumusuko. "Teka lang. Wala akong masamang intensyon sa'yo. Okay?" pabulong na sabi nito. That voice, I've already heard it. "Anong wala? Sino ka? At bakit ka nandito?" sunod-sunod na tanong ko rito, habang nakahanda ang mga kamao sakaling sugudin akong muli ng lalaking kaharap ko. Mahirap na, paraan ng mga kawatan ang manlinlang! "W-Wait... have we met before?" pang-iiba niya ng usapan.

"Huh?---" napatakip ako sa aking bibig ng mapagtanto kong napalakas pala ang pagkakabigkas ko, lagot na.

"Sinong nandyan!" sigaw ng lalaking leader ata ng grupong minamanmanan ko kanina.

Hindi na nagdalawang-isip ang lalaking kaharap ko na hawakan ako sa may pulsuhan at tahasang inilayo sa mga papalapit na grupo ng mga lalaki. Mabilis kaming tumakbo at nilito ang mga humahabol saamin sa pamamagitan ng pag-iwan ng mga bakas patungo sa kabilang direksyon, kung saan salungat saaming dinaraanan. Nagtago kami sa likod ng kumpol na mga sako, at ilang minuto pa'y nawala na ang mga humahabol saamin. Nakita ko rin na bago kami habulin ng mga kalalakihan ay nakatakas na ang kanilang biktima.

Hapong-hapo kong kinuha sa aking sling bag ang aking cellphone upang buksan ang flashlight at para na rin makilala ang mukha ng lalaking kasama ko ngayon ngunit bago ko pa man ito makuha ay kinalabit na naman ako ng lalaki at mabilis na naglakad habang hawak-hawak ako sa may pulsuhan.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Waittt, saan mo ba ako dadalhin at sino ka ba?" naiiritang tanong ko rito.

"Ibabalik kita sa school, do'n ka maghintay ng sundo mo. At 'wag kang tanong nang tanong hindi ako masamang tao okay?" sagot naman nito.

"T-Tekaa naman oh! Marunong ako maglakad 'wag mo 'kong kalabitin! Anak ng!" pagsusuplada ko pa.

"Fine!" pagbitaw niya sa kamay ko. "Arte arte pfft" bulong pa nito.

"Naririnig kita umayos ka." pagtataray ko pa habang sumusunod sa may likuran niya. He just stared at me teasingly.

Nako, ang bilis bilis maglakad hindi pa nga ako nakakaget-over sa pagtakbo namin kanina haysst!

"Miss dalian mo na baka abutin ka riyan ng umaga at sabihin mong may atraso na naman ako sa'yo" again this guy's teasing me tss. Teka whaaaat? Atraso? Napamura ako sa aking isipan sa aking napagtanto. Mas binilisan ko ang aking paglakad upang masabayan siya. "A-Atraso? Ako? Seriously." nauutal na ako sa kahihiyan hmp.

"Ang magaling na babae na lalampa-lampa---" hindi ko na siya pinatapos.

"Okaaaaayy! Tama na, tama na. Oo na ako nga. P-Pero anong ginagawa mo roon? Huwag mong sabihing isa ka rin sa kanila? Or baka naman kalaban mo sila at nagsspy ka do'n?" nababahalang tanong ko.

Kunot-noo itong tumingin saakin. Nakaramdam ako ng gulat dahil sa tingin niyang 'yon, bakit parang naganap na ito? Bakit sobrang pamilyar ng mga mata ng aking kaharap? Tumigil ba ang oras? Natauhan ako ng magsalita na siya, "It's none of your business. Understood?" supladong mapang-asar tsss.

Pagbalik namin sa may gate ng school ay may mga estudyante pa ring nag-aantay ng kanilang mga sundo. At wala pa ring taxi na dumaraan kung kaya't naupo na muna ako sa isang bench sa tabi ng puno, naupo naman ang lalaking kasama ko sa isa pang bench sa kabila ng punong inuupuan ko. He's busy touching his phone.

Ilang sandali pa'y may tumigil na isang white van sa tapat namin. Lumapit na roon 'yong supladong lalaki at may kinausap ngunit bigla siyang bumalik kung saan ako naroroon.

"Saan ka ba nakatira?" tanong nito. "Uh I mean sumabay ka na saamin baka kung saan saan ka na naman madapa." kamot-ulong alok nito.

Pinandilatan ko siya, "No thanks, mag-aantay nalang ako ng taxi." tugon ko sa alok nito at nagkunwaring abala sa paggamit ng phone. "Hindi nga kita kilala, baka sindikato ka pa tss." maingat kong bulong sa sarili ko.

"If that's what you want" maikling sabi nito saka bumalik na sa kanilang sasakyan. Ngunit ilang sandali pa ay nagbago na naman ang isip nito at tahasan akong hinawakan sa wrist at pinipilit ako nitong pasakayin. "Mom, okay lang ba kung ihatid na muna natin siya? She was about to-" biglang natigil ang supladong lalaking nakahawak sa aking pulsuhan ng sumilip ang kan'yang ina. Tita Lucinda?

"Who's tha- Wynter? Is that you hija?"

rieteratura

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report