Respectfully Yours
Chapter 1

Tuwang-tuwa ang matalik na mag-kaibigan na sina Juan at Hernan. Hindi maikakaila ang saya sa kanilang mga mata. Ang pagkasabik ng kanilang puso. Ang kaba na tumitindig sa kanilang mga katawan. Ang pagkamangha sa dahilang makikita na nila ang kanilang mga apo.

Sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay kanilang hinihiling nang sabay ang magkaroon ng apo. Ngunit lumipas ang araw na naging buwan hanggang sa maging taon ay hindi na ito natupad. Nanghihinayang man ay wala silang magagawa lalo na't kagustuhan ng kanilang mga anak na makasama muna ang isa't isa nang masaya bago sila magsimula ng kanilang pamilya nang mapayapa.

Isang gabi ay napag-desisyonan nila Juan at Hernan na magkaroon ng kaunting salo-salo upang magkaroon ng kaunting kamustahan ang dalawang pamilya. After all the company stuffs that making them busy. Hindi hadlang ang kanilang edad to manage their own companies.

Habang kumakain ay panay ang kwentuhan ng mga matatanda nang biglang sabay na napatayo ang dalawang kababaihan at tumakbo papunta sa banyo. Sinundan naman ito ng kani-kanilang asawa na hind magkamayaw ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.

Nagka-tinginan ang matatanda nang kanilang mapagtanto ang posibleng mangyari. Magkakaroon na ba kami ng mga apo?

Doon rin ay nalaman nilang buntis ang dalawa kung kaya't sabik na sabik ang pamilyang Fuentes at Aragon sa kanilang magiging bagong miyembro ng pamilya.

At ito na nga ang araw na kanilang hinihintay.

Nasa emergency room ang kanilang mga manugang at kasalukuyang ipinapanganak ang kanilang matagal na hinihintay. Hindi na maitago ang kasabikan ng dalawa. Sa pamamagitan ng paglalakad at pa- tingin-tingin sa kisame ay nahahalata ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Napagpasiyahan na lamang ng dalawang matanda na mag-usap upang mailabas ang kanilang pagkasabik na makita ang kanilang mga apo.

"Hernan, nasasabik na ako mayakap at mahalikan ang aking apo," nakangiting saad ni Juan habang nakatingin sa pinto ng emergency room.

"Kahit ako nga rin Juan, sana ay maisilang sila ng maayos." Hindi maitago ang kaba ni Hernan lalo na't ito ang kanilang unang beses na masisilayan ang kanilang mga apo.

"Siyempre naman. Mga magagaling na doktor ang magpapaanak sa ating mga apo." Ngumiti na lamang rin si Hernan sa narinig. Nagpatuloy lang ang kwentuhan ng dalawang matanda. Mula sa pagkasabik na makita ang kanilang unang apo hanggang sa kanilang naramdaman noong pinapanganak ang kanilang mga asawa. Hindi maiitatago na matalik na matalik ngang magkaibigan ang dalawa lalo na't halos hindi na nila namamalayan ang oras sa dami ng kanilang pinag-kwentuhan.

"Papa!" Masayang lumapit si Eduard sa kaniyang ama at niyakap ito. Tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata dahil sa kasiyahang nararamdaman. "Tatay na ako."

Ganoon din si Marcel, ang anak ni Hernan. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang sobrang saya. Hindi magkamayaw sa pag-iyak at pagyakap ang dalawa sa kanilang ama dahil sa wakas ay dumating na ang kanilang mga mumunting anghel sa buhay.

***

Tuwang tuwa si Miranda habang pinagmamasdan niya ang mala-anghel na mukha ng kaniyang supling na kalong-kalong niya sa kaniyang mga braso. Ang maliliit na mata na parang mga jolen. Ang mga mahahabang pilik-mata na nagpa-ganda rito. Ang ilong na parang hinugisan ng isang iskulptor. Ang maliit na mga labi na parang binigay ng isang diwata. Ang mga kilay na parang idinikit lang. Hindi niya aakalain ganito lang mapapawi ang lahat ng pagod at sakit na kaniyang tiniis para sa munting anghel na ito.

It was an achievement for her to bear this little angel for nine months and gave birth to the baby in a very healthy way. She was very proud of the fact that she is now finally a mother.

Tuwang-tuwa rin ang mag-amang si Juan at Eduard. Hindi dahil sa natapos ang kanilang paghihirap habang pinagbubuntis ni Miranda ang kanilang munting bituin ngunit ay dahil sa wakas ay nagkaroon na rin sila ng anghel na magbibigay saya sa kanilang tahanan.

"Napakaganda talaga ng aking apo," Tuwang tuwa na sabi ni Juan.

"Kanino pa ba magmamana? E 'di sa maganda niyang ina." Biglang tumingin si Eduard sa kaniyang mahal na asawa na si Miranda. Malambing naman na pinalo ni Miranda ang braso ni Eduard para itago ang kaniyang namumulang mukha.

"Kahit kailan talaga, bolero ka talaga," Nanggigigil na saad ni Miranda habang matalim na nakatingin kay Eduard.

"Bola ba 'yon? Totoo naman ah. Totoo naman na biniyayaan ako ng isang magandang asawa at mala-anghel na anak." Niyakap niya ang kaniyang mag-ina. Bilang isang ama ay hindi rin niya maitatago ang galak dahil nakabuo na rin siya ng pamilya na maaari niyang maipagmalaki sa lahat. At sa pamamagitan ng yakap na iyon ay kaniyang maipapangako na hinding-hindi niya pababayaan ang kaniyang mag-ina. "Nakaka-inggit naman kayo." Tumawa nang mapakla si Juan. "Naalala ko tuloy yung mama niyo." Mangiyak- ngiyak na sabi ni Juan habang inaalala ang kaniyang asawa na si Conchita noong isinilang ang kanilang anak na si Eduard. Agad niyang pinunasan ang luha dahil sa naging emosyonal siya at muling binalik ang ngiti sa kaniyang labi.

"O siya! Baka saan pa mapunta ang usapan natin. Ano ang ipapangalan natin sa apo ko?" Nakangiting tanong ni Juan sa mag-asawang nakatingin ngayon sa kanilang munting anghel.

"Anikka Celyne." Magkasabay na bigkas ng mag-asawa. Guni-guni man ngunit nakita nila na habang binabanggit nila ang pangalan ng kanilang anghel ay unti-unti itong ngumiti sa kanila.

***

Hindi mapawi ang ngiti ng mga tao sa kwartong ito habang pinagmamasdan ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Ang kasiyahan ay umaapaw at hindi nila maiwasang hindi matuwa lalo na kapag nakikita nilang ngumingiti ang kanilang bagong anghel.

"Ang gwapo gwapo naman ng aking apo." Tuwang tuwa na sabi ni Hernan habang kalong-kalong niya ang kanyang apo.

Ang magagandang pilikmata na napakahaba. Ang manipis na labi na animo'y ipinag-kaloob ng mga prinsipe. Ang matangos nitong ilong. At ang mga mata na kulay itim na parang nakukulong ka sa isang hipnotismo kapag ito'y tinitigan. Hindi magkamayaw ang pagka-bighani ni Hernan sa kaniyang bagong anghel sa buhay.

"Pa," Natutuwang saad ni Marcel. "Baka mamaya, malamog naman 'yang anak ko sa inyo." Biro niya sa kaniyang ama. Si Hernan kasi ang unang nakahawak sa sanggol imbis na sarili nitong ina. Halos ayaw na niyang bitawan ito dahil masyado siyang natutuwa habang sinu-sulyapan ang sanggol.

"Hindi a," saad naman ng ama. "Aalagaan natin ng mabuti itong apo ko." Binigay ni Hernan ang bata sa kanyang ina na si Helen. "Siya ang bagong anghel ng ating pamilya."

"Tignan mo nga naman. Kamukhang-kamukha mo talaga ang anak mo," Helen said to her husband, Marcel. Just like Miranda, it was an achievement for her to give birth to a handsome boy like this. And she was really proud that this boy was the living proof of the love of her and her husband to each other.

"Huwag sanang maging babaero katulad mo." Biro ni Helen sa asawa habang nakatingin pa rin sa kanilang munting anghel. Tumawa na lang si Marcel sapagkat alam niya na babaero siya noon pero nang makilala niya si Helen, doon niya nalaman kung gaano ba talaga karapat-dapat na pahalagahan ang isang babae.

Helen may be his karma but he was proud to have her love.

"Hindi na ako babaero dahil ikaw lamang ang babae ko at magiging babae ko." Niyakap ni Marcel ang kaniyang mag-ina. Pinapangako niya sa sarili niya na habang-buhay niyang p-protektahan at mamahalin ang kaniyang mag-iina.

Having a family is a blessing from God and he should treasure them with his life because it is only a one in a lifetime chance and he should love them at all costs.

"Sweet niyo naman. Baka langgamin kayo niyan." Biro ni Hernan habang hindi pa rin mabura-bura ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Ano ba ang ipapangalan natin sa apo ko?"

"Lukas Angelo." Sabay na banggit ng mag-asawa.

***

Kinabukasan, napag-isipan ni Hernan na bisitahin si Juan upang ihayag ang kaniyang kasunduan na matagal nang pinaplano.

"Paano kaya kung ipagkasundo narin yung mga apo natin?" Nagulat si Juan sa winika ni Hernan. Hindi naman ugali ito ng kaniyang kaibigan na mag-desisyon na lang bigla-bigla. Ngunit kung mayroon naming malalim na dahilan, hindi niya ito alam.

"Ano ba ang nakain mo at naisip mo yan? Sanggol pa lang ang mga apo natin pero ipagkakasundo mo na?" Iritadong wika ni Juan. Sanggol pa lamang ang kanilang mga apo at basta na lang itinali na lamang sa kasunduan. May karapatan silang pumili ng taong mamahalin nila at hindi puwedeng i-asa na lang sa kung kanino ito ipinagkasundo. Mayroon silang sariling isip at puso upang patunguhan ang kanilang buhay.

"Ayos lang 'yan kumpadre." Ngumiti sa kaniya si Hernan. "Total ay pagsasamahin natin ang mga kumpanya natin, maganda na rin siguro kung ang mga apo natin ang magkakatuluyan upang sa ganoon ay sila mismo ang magkatuwang sa pagpaptakbo ng kumpanya balang araw."

Napaisip din si Juan. May punto rin naman si Hernan. Kahit medyo nag-aalinlangan ay sumang-ayon na lang siya. Hindi na rin siguro masama ang maging sigurado lalo na't mas madali nga naman pamahalaan ang kumpanya lalo na kung magka-sangga sa buhay ang dalawang mamumuno dito.

Ganoon na lamang ang gulat ni Juan nang maglabas si Hernan ng isang papel. Kaniya itong kinuha at binasa.

"Kontrata? Kailangan pa ba nito?" Hindi maigilang tanong ni Juan sa kaniyang kaibigan. Para saan?

"Oo naman, Juan. Para malaman ng ating mga apo na seryoso ang kasunduan na ito." Agad naman pinirmahan ng dalawa ang kontrata na iyon.

Mukha bang hindi seryosong usapan ito? Tinig ni Juan sa isipan habang pinipirmahan ang kontrata. Gagawin lamang niya iyon para na rin sa kinabukasan ng apo.

"Pero paano kapag ayaw na mga apo natin sa isa't isa?" Tanong ni Juan. Naniniwala siya na sa loob ng dalawamput-limang taon ay siguradong may makikilala ang kanilang mga apo at sila ang pipiliin ng mga ito.

"Maraming paraan, Juan. Maraming paraan."000

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report