My Stranger Legal Wife
CHAPTER 15: Jealous

Matamis ang ngiting pumasok ni Alora sa mansion. Binati pa nga siya ng guwardiya na si mang Mado. Nginitian pa nga siya ni Jessa nang madaanan niya ito sa living area. Nawala lang ang ngiti niya nang tumapat ang paa niya sa kwarto ni Zeke. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Lumipas ang limang araw pero ni wala lang itong paramdam sa kanya.

"Siguro masaya siya sa Japan kasama si Miss Ravina." Ang usal ng kanyang isip.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Ilang araw na rin siyang napapatanong kung ano nga bang plano ni Zeke Fuentares sa kanya.

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad at agad na tinungo ang kanyang kwarto. Agad lumapat ang kamay niya sa malamig na doorknob. Ngunit natigil siya nang makaramdam siya ng presensya sa kanyang kanan. Liningon niya iyon at agad nagtama ang kanilang mga mata.

"Nakauwi na pala kayo." Pinilit ngumiti ni Alora. Agad namang lumapit sa Richelle Ravina sa kinaroroonan niya.

"Yes po, kauuwi lang namin, ma'am." Isinuksok nito ang kamay sa kanyang bulsa. "May pasalubong po pala ako sa'yo, ma'am." Nakangiti itong humugot sa kanyang bulsa. Maya-maya lang ay iniabot nito ang kulay rosas na organza pouch. "Para sa'yo ma'am." Matamis ang kanyang ngiti habang nakalahad ang kanyang kamay.

Nag-aalangan namang inabot iyon ni Alora.

"Buksan mo po, ma'am."

Pinilit na lamang ngumiti ni Alora bago niya ito binuksan. Tumambad sa paningin niya ang isang silver bracelet na may palamuting maliliit na bato. "Ma'am, sana po nagustuhan mo."

"It's beautiful, thank you." Totoo namang maganda ang ibinigay ni Richelle na bracelet kaya hindi maiwasang makonsensiya ni Alora. Aminado siyang hindi niya gusto si Richelle at pilit lamang niya itong pinakikisamahan ngunit sadya namang napakabuti nito sa kanya.

"Ma'am, hindi po iyan kasing mamahalin ng kayang ibinigay sa'yo ni sir. Pasensya na po sa nakayanan ko."

"It's okay. Wala naman sa halaga 'yan. I really appreciated this." Galing sa puso niya ang sinabi niyang iyon. Gusto naman talaga niyang maging kaibigan si Richelle pero may bahagi siyang ilag sa kanya.

"At saka ma'am, huwag niyo sanang hahayaang mabasa 'yan." Ngumiti ito na parang nahihiya. "Baka po magkupas maam."

Napangiti na lang si Alora. Ipinatong niya iyon sa kanyang pulsuhan upang maisuot iyon. Agad namang lumapit si Richelle at tinulungan siya.

"Bagay na bagay po sa inyo ma'am." Kumikinang ang mata nito sa tuwa.

"Salamat dito, Miss Ravina."

"You're welcome po. Sige po ma'am. Papasok na po ako sa kwarto ko." Itinuro pa nito ang kanyang kwarto gamit ang kanyang hinlalaki. Nginitian naman siya ni Alora bago ito tuluyan tumalikod patungo sa kwarto niya.

Nakangiting binuksan ni Alora ang pinto ng kanyang kwarto at pumasok roon. Sumalubong sa kanya ang kadiliman nang masaisarado niya ang pinto kaya naman agad niyang kinapa ang switch ng ilaw. Unti-unting lumiwanag ang kanyang paligid.

"Ay kabayo!" Nasapo niya ang kanyang dibdib sa labis na gulat. Prente kasing nakaupo si Zeke Fuentares sa kanyang kama. Diretso ang matalim na tingin nito sa kanya.

Tumikhim si Alora para alisin ang bara sa kanyang lalamunan.

"Welcome home." Hindi naiwasang pagpawisan ng noo dahil sa tension. Pakiramdam niya ay mayroon siyang nagawang kasalanan.

"Who are they?" Walang kahit anong emosyon ang mababanaag sa kanyang mukha pero hindi parin maiwasang makaramdam ng kaba ni Alora. Hindi tuloy siya nakasagot sa tanong nito.

"Sino sila Alora?" Madiin niyang wika.

"Anong---" Agad ring naputol ang sasabihin niya nang dumagundong ang boses ni Zeke. "Sino ang mga kasama mo kanina?"

Lalo namang nakaramdam ng takot si Alora.

"Sumagot ka!" Nakita pa niya paglabas ng litid nito sa leeg.

"A friend." Hindi niya naiwasang mautal.

"You're lying!" Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama ngunit diretso pa rin ang titig kay Alora.

"Nagsasabi ako ng totoo." Parang sinaksak sa puso si Alora sa realisasyong walang tiwala sa kanya ang kaharap.

"Alam mo kung ayaw mong maniwala, bahala ka." Puno siya ng hinanakit na tinalikuran ito.

"Huwag mo akong tatalikuran!" Agad siya nitong hinaklit sa pulsuhan. Naging dahilan iyon upang mapigtas ang regalong bracelet ni Richelle Ravina. Hinigpitan ni Zeke ang hawak nito sa kanyang pulso at saka niya ito kinaladkad patungo sa kama.

"Ano ba Zeke! Nasasaktan ako!" Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nitong nakahawak sa kanya pero hindi siya nagtagumpay.

Napatili na lamang si Alora nang ibagsak siya nito sa kama.

"Tell me the truth!" Nag-igting ang panga nito ngunit tuluyan nang nawala ang takot ni Alora, napalitan na iyon ng sama ng loob.

"I'm telling the truth!" Pabulyaw niyang sagot ngunit lalo lamang diniinan ni Zeke ang hawak niya sa pulsuhan niya. Sumampa rin ito sa kama. Puwesto ito sa hita niya dahilan para hindi na siya makapumiglas.

"Ano ba! Sumosobra ka na!" Maluha-luha siya dahil sa pagod at sama ng loob. Ni sa panaginip ay 'di niya inakalang gagawin sa kanya ito ni Zeke Fuentares. Nang magsimulang magtubig ang kanyang mga mata ay saka lamang siya binitawan ni Zeke. Umalis ito sa pagkakadagan sa kanya ngunit muli siyang pinukol ng masamang tingin.

"Kabit mo ba ang lalaking 'yon?"

"What?" Napailing na lang si Alora. Lalo tuloy siyang nainis dahil gano'n ang tingin nito sa kanya. Bumangon ito sa kama at sinalubong ang masamang tingin ni Zeke.

"Teka nga, ano bang pakialam mo kung anong relasyon ko sa taong iyon? Ano ba kita?" Lalo namang nag-igting ang panga ni Zeke sa winika nito.

"Ano mo ako?" Tumitig ito sa kanya ng mariin. "I am your Husband, legal husband!" Pinagdiinanan pa nito ang mga salitang legal husband.

"Sa papel, Zeke! Sa papel lang tayo mag-asawa!" Sinalubong niya ang mga mata ni Zeke. Ginawaran niya rin ito ng malalim na titig.

Nakita niya ang pagkuyom ng palad ni Zeke.

"Stay away from him! Stay away from any man!" Matalim parin ang titig nito sa kanya. Para bang anumang oras ay sasaktan siya nito.

"Hindi! Ayoko!" Kung galit si Zeke, mas galit siya. Binalewala siya nito ng ilang araw tapos ito pa ngayon ay may ganang umakto ng ganyan.

Tinimpi niya ang sarili nang matanto niyang maaaring rinig na sa labas ng kwarto ang sigawan nila.

"Bakit ko siya lalayuan? Kaibigan ko---" Agad naputol ang kanyang sasabihin ng magsalita si Zeke. "Because I am jealous! Sobrang selos ako, selos na selos." Madiin nitong wika habang dinuduro nito ang kanyang dibdib gamit ang kanyang hintuturo.

"Hindi ako si Leina, Zeke."

"I know, Alora. Of course I know."

"Kaya nga walang dahilan para magselos ka. Siguro dahil magkamukha kami kaya pakiramdam mo ako siya."

Napapikit ng mariin si Zeke.

"No, Alora. It's not what you think. Noong makita ko kayong dalawa, ikaw ang pinili ko." Naging malambot ang expression ng mukha niya. Ang mga mata nitong nakakatitig sa kanya ay nakakitaan niya ng senseridad. "That's why you're here." Hindi naman umimik si Alora. Hindi niya mahagilap ang sasabihing salita kay Zeke Xavier.

"Hindi ko na nakikita ang future na kasama siya kasi sa tuwing ipipikit ko ang mata ko, ikaw ang nakikita ko." Hindi nawala ang sinseridad sa mga mata nito.

"Masyadong mabilis, Zeke. Nalilito ka lang."

"No, hindi ako nalilito lang." Lumapit ito sa kanya. Awtomatikong napaatras naman ang paa ni Alora. Nadala na siya sa nangyari kanina. Ngunit masyadong mabilis si Zeke dahil nagawa nitong mahuli ang kamay. "Give me a chance to prove myself."

"No, Zeke. Hindi pwede. Hindi tayo pwede." Iwinaksi niya ang kamay niyang hawak nito.

"Why? Why not?"

"Five years ang naging relationship namin ni Kenneth. Hindi gano'n kadali ang move on." Nakaramdam siya ng hapdi sa dibdib. Labis siyang nanghihinayang sa nasirang relasyon.

"Then let me help you. Madali lang naman eh. Just divert your attention to me."

"Hindi, Zeke. Baka sa huli masaktan ka. Hangga't maaari ayokong makapanakit ng damdamin ng iba."

Parang tinusok naman ang puso ni Zeke katotohanang hindi sila pareho ng gusto, hindi sila pareho ng damdamin.

Humawak si Alora sa braso niya dahilan para mapatingin ito sa kanya.

"Huwag mong gawin sa'kin ang ginawa mo noon para kay Leina. Dahil hindi ako siya."

Agad namang napakunot-noo si Zeke sa sinabi nito.

"What made you think I'm doing the same?"

Napabutong-hininga si Alora bago magsalita.

"Zeke, tumigil ka na sa pagpapakamartir. Sorry sa word pero pwede bang awat na."

"I'm done there, Alora. This is the reason why I am pursuing you. Alam kong hindi mo gagawin ang ginawa sa'kin dati ni Leina. At kung magpapakababa man ako, alam kong sa tamang tao na." Hindi naman umimik si Alora. Ngunit gumuhit sa mata niya ang pag-aalinlangan. "Pero ikaw ba, may plano ka bang makipagbalikan sa kanya?"

Ang emosyon sa mata niyo ay napalitan ng lungkot. Kumislap ang mata at para bang anumang oras ay luluha ba ito.

"Hindi." Umiling-iling bago yumuko. "Hindi na kami pwede. Hindi na ako deserving para sa kanya."

Dumampi ang kamay ni Zeke sa baba ni Alora at itinaas ang mukha nito upang magsalubong ang kanilang mga mata.

"You are always deserving for everybody's love, Alora. Pero kung hindi na kayo pwede, pwedeng sa'kin ka na lang maging pwede?"

Parang hinaplos ang puso ni Alora sa winikang iyon ni Zeke Xavier.

"Ipapakita ko sa'yong, pwede mo rin akong mahalin, Alora. I can give you the future you've been dreaming."

Akmang bubukas na ang bibig ni Alora nang makarinig sila ng katok sa pintuan.

"Ma'am Alora." Boses iyon ng isa sa mga katulong.

"Ma'am Alora, handa na po ang hapunan."

Bago pa makaimik si Alora ay inunahan na siya ni Zeke.

"We will have our dinner at the rooftop. Bring the food there." Puno awtoridad nitong turan.

"Okay po, sir."

Agad namang napalo ni Alora si Zeke sa kanyang dibdib.

"Bakit ikaw ang sumagot? Baka kung anong isipin nila."

"We're married, Alora. Walang masama kung magsama tayo sa iisang kwarto."

Samantala, nang makaalis na sa tapat ng kwarto ang dalawang katulong ay saka sila impit na tumili.

"Kaya pala wala sa kwarto niya si sir kasi na kay maam." Hindi nito itinago ang kilig.

"Yiehhh mukhang road to forever na talaga ito."

"Sana nga." Nag-apir pa ang dalawa bago tuluyang umalis.

Hindi naitago ng mga katulong ang kanilang kilig para sa kanilang amo. At lahat ng iyon ay nasaksihan at nakita ni Richelle. Umusbong ang galit sa kanyang loob. Nagngingitngit ang kanyang mga ngipin at nanlilisik ang kanyang mga mata bago pumihit pabalik sa kanyang kuwarto. Nang makapasok siya roon ay saka niya nagwala. Pinagbabato niya ang mga unan sa pader.

"Hindi! Hindi pwedeng muling pumalpak ang plano dahil kung hindi baka ikamatay ko." Naluha siya dahil sa labis na galit.

Ang pagpalpak ng plano nila ang siguradong hihila sa kanya sa mala-empiyernong buhay at hindi niya makakayanan iyon.

Ang plano ay ang magdusa si Alora Andrada ngunit mukhang hindi iyon matatapos sa pagdurusa lang. Kailangang mawala ni Alora sa mundo. Dahil hanggang humihinga ito, hindi siya magiging malaya sa kasalanang hindi naman siya ang nagsimula.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report