My Old Billionaire Husband
Chapter 82 Danger!

Alexis

Walang katapusang video calls at tawag ang aking natanggap this past few days! Walang tigil kakatawag sa akin sila Mommy at Daddy. Si Dad ay araw-araw din tumatawag para kamustahin ako at ang baby! Hindi ako makapaghinga! Mas excited pa sila kaysa sa akin.

Haler! Ako kaya ang buntis! Si Grandpa ay tumatawag din at kung minsan ay nagkakasabay na silang lahat!

Ang gulo mga besh at kalerkey!

Pero carry lang. Mahal naman nila ako hehe.

Pero nakakapagtaka at hindi tumawag si Mom? Si Dad ay maintindihan ko dahil palaging busy yon like Zac. Pero si Mom ay palagi yon maingay lalo pa at buntis ako. Milagrong ang tahimik ngayon! Busy lang talaga siguro. At ngayon nga ay si Debbie ang kausap ko. Naka video call kami with my makulit na inaanak Debhe.

Wala namang pinagkaiba ang pangalan ng dalawa eh.

Sa spelling lang nagkatalo!

Ang kulit at bibo na bata. At ang boses mga mare!

Kasing ingay at lakas ng kanyang nanay.

Like mother like daughter talaga!

Makabasag ear drum lang naman ang boses nila hahaha.

Na excited tuloy ako at napahaplos sa tiyan kong may umbok na.

Mahal ko ang baby ko! Pero ayaw ko malaman ang gender para surprise.

Sumang-ayon naman si Zac.

Pero sabi ni Doktora ay may kailangan kaming malaman kapag 8 months na ang aking tiyan.

Kinabahan naman ako pero sabi niya ay huwag mag-alala. It's not a problem but a surprise!

Mas lalo tuloy akong kinabahan ng lagay na ito.

May pa surprise pa talaga. I'm dying to know what it is!

Yong overthink ko ay malala! Buti nalang at andiyan si Jr. na palagi kong kasama at na divert ang isipan ko sa pa suspense na surprise ni Doktora.

Baka makapanganak ako ng wala sa oras!

Nagpapa ultrasound naman ako pero 'yon nga lang ay ayaw ko talaga malaman ang gender ng baby namin ni Zac.

Parang music in our ears while hearing our baby's heartbeat. Para kaming lumulutang sa ulap at excited na mahawakan at mahele sa aming mga bisig ang aming munting baby.

"Besh! Tulala kana naman!" Ang sigaw ni Debbie na gumising sa aking lutang na isipan.

"Ninang! Hahahaha" Ang malakas na tawa ni Debhe.

Ang ingay ng mag-ina!

Sabay pa talagang sumigaw.

"Ay Grabe kayong dalawa eh. Babasagin niyo ba ang ear drum ko?" Nakatawa kong tanong.

"Lutang kana naman Besh. Baka magkasakit ka pa sa kakaisip sa surpresa ni Doktora eh. Relax ka lang!" Seryosong sabi ni Debbie.

Oo nga naman! Pero hindi ko maiwasn ang mag-isip eh.

"Okay lang ako Besh. Pero alam mo na. Nakaka overthink din kasi si Doktora. May pa suspense pa talaga." Sagot ko.

"Don't worry. Next week ay schedule na ng check up mo. Malalaman mo na rin kung ano 'yang surprise na yan."

"Oo nga no! Bilis lang talaga ng panahon. Kumusta na kayo diyan Besh?" Tanong ko.

"Heto, maganda parin kami haha." Birong sagot ni Debbie.

Loka-loka talaga!

"Bakasyon naman kayo dito besh. Para mag bonding ulit tayo. Huling kita ko kay Debhe ay 1 year pa siya besh!" Nagtatampo kong sambit.

"Naku, tampurorot ka ba besh? Madami lang kasi ginagawa si Hector eh. Busy na busy. Don't worry, I'll make sure na makapag bakasyon kami diyan sa Pinas this year." Sagot ni Debbie. "Tampo talaga ako Besh pero okay na basta promise mo yan ha!"

"Luhh, hindi ako nag promise. I'll make sure lang eh. Joke lang haha." Nakatawang sagot ni Debbie.

"Ewan ko sayo besh. How are you little Debhe?" Tanong ko kay Debhe.

"Doing good Ninang. And always beautiful!" Bibong sagot nito.

"Sige na, kayo na ang maganda!" Kunwaring galit kong sagot.

Nagtawanan nalang ang mga loka-loka haha.

Pero biglang sumigaw si Jr. sa labas!

Nasa kwarto pala ako sa taas ng mansion.

Naglalaro kami ni Jr. dito kanina at nakalimutan ko pala siya!

Biglang tumawag si Debbie at nag video call na kami.

Ano kaya ang nangyari?

"Besh puntahan ko muna si Jr. ha. Baka kung ano na ang nangyari." Sabi ko at nagmamadali ng lumabas ng kwarto.

Naiwan na naka video call parin ang cellphone ko.

Si Debbie na ang bahala mag end ng call!

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Paglabas ko ay nakita ko si Jr. na umiiyak sa may hagdanan.

"Hey Jr. Bakit nag drama ka diyan? Akala ko kung napa'no kana. Nagugutom kana ba?" Tanong ko.

"No, I'm mad with my Mom. She's bad!" Ang sagot ni Jr. Na nagpupunas ng kanyang mga luha.

Baka napalo na naman ng kanyang bruhang nanay.

Naubos na talaga ang pasensiya ko sa kanya!

Mamaya pag-uwi ni Zac ay papaalisin ko na siya sa pamamahay na ito.

Humahaba nang masyado ang kanyang sungay!

Kailangan ng putulin!

Tama na yong mag acting Reyna siya sa mansion.

At least na experience niya. It's time for her to disappear in our life!

Napakabait niya kay Jr. kapag andiyan si Zac. Pero kapag wala ay lagi niya itong pinapagalitan ng walang dahilan! Humanda ka bruha!

"Your Mom is always bad Jr. Nevermind her and let's go buy some ice cream outside." Paanyaya ko sa kanya.

Bababa na sana ako ng hagdanan ng hilahin ako ni Jr. pabalik.

"Why? Let's go buy some ice cream and fries. Then let's watch some movies!" Masayang sigaw ko.

Lately ay tumataba na ako sa pagiging matakaw sa pagkain. Kaming dalawa ni Jr. Ay walang ibang ginawa kundi ang kumain ng kumain. "No! Don't go down!" Sigaw ni Jr.

Hinila niya ulit ako paakyat pero nagtuloy-tuloy ako sa pagbaba.

Huli na ng malaman kong madulas pala ang buong hagdanan!

Napakapit ako sa gilid pero bawat hakbang ko ay napakadulas! Hindi ako makahawak ng maayos sa railings dahil napakadulas din!

Bibitaw na ang aking mga kamay ng tumakbo si Jr. Papunta sa akin.

"I will save you Tita Alexis!" Sigaw niya kasabay ng pagbitaw ng aking mga kamay sa pagkakahawak sa railings.

Nagpagulong-gulong kami pababa habang si Jr. ay nakayakap sa aking tiyan.

This little angel is protecting me and my baby!

Mamamatay na ba kami?

Walang mamamatay brain!

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

We need to survive for Zac and the baby!

Si Jr. Ay matapang na prinotektahan ang baby.

We should also fight!

Kaya, Don't you dare sleep brain!

Ramdam ko ang pagbagsak namin sa baba at may mainit na likido na lumabas at dumaloy sa aking binti. Hindi ko maigalaw ang aking katawan pero pinilit ng aking mga mata na tingnan ang likido na patuloy na dumadaloy. Natakot ako ng makakita ng napakaraming dugo!

Napalingon ako kay Jr. na wala ng malay. At duguan ang kanyang ulo!

"Jr.!" Sigaw ko. Pero walang boses na lumabas sa aking bibig!

Napaiyak ako habang pinagmamasdan ang naghalong dugo namin ni Jr.

Nanlalabo na ang aking paningin ng marinig ang sigaw ni Zac.

He's here!

Akala ko ay hindi ko na siya makikita sa huling pagkakataon!

Tumigil ka brain! I told you not to sleep!

Gumising ka! We will not die!

Naloka na talaga ako. Kahit sa bingit ng kamatayan ay nakikipag-away pa talaga ako sa aking utak!

"Alexis! Jr.! Call an ambulance!" Ang malakas na sigaw ni Zac na dumagundong sa buong mansion.

Agad niya kaming nilapitan at hindi malaman ang gagawin.

First time ko makita si Zac na natakot ng literal!

Kaya hindi ako pwedeng mamatay!

Pinilit kong magsalita pero hinihila ako ng antok!

Inaantok ako at gusto ng pumikit ng aking mga mata.

Langhiya kang mata ka! Gumising ka!

"Baby, Please hang on. I'm here, hindi kita iiwan!" Ang huling dinig ko sa boses ni Zac bago ako tuluyang pumikit at lamunin ng kadiliman ang aking buong diwa.

Bad trip ka naman brain!

Sabi ko walang matutulog!

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report