My Old Billionaire Husband
Chapter 67 Dad is alive!

Alexis

Dinala na si Dad ng ambulansiya pero ako ay nakatulala parin.

Sumama si Mommy at Daddy pero kami ni Zac ay naiwan.

Sinamahan niya ako na nakatulala lang dito.

Si Joanna ay pinabitbit na nila Hector at Debbie papalabas ng Mansion.

Gusto ko sana siyang patayin at ng makaganti man lang kay Dad pero nawala ang lahat ng lakas ko!

"Are you okay? Let's go inside the mansion." Ang malumanay na tanong ni Zac.

Pero ayaw gumalaw ng katawan ko!

"I-I can't move." Ang matipid kong sagot.

"No problem!" At agad niya akong binuhat with his signature bridal style.

Yumakap ako kay Zac holding my dear life. He's my strength for now. Kung wala si Zac ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko mang umiyak ay wala naman lumalabas na luha!

Dinala niya ako sa aming kwarto at pinahiga.

"You need to relax. Have some sleep baby." Sambit ni Zac.

"Okay, but can you be with me?" Ang tanong ko.

"Sure, I will always be with you." Ang sagot ni Zac at niyakap ako.

Syempre ang paborito kong spot ay ang kili-kili niya.

At dito lang ako comfortable.

Yumakap ako kay Zac habang nakamudmod ang aking mukha sa kanyang kili-kili. My safe haven!

At unti-unti nang bumigat ang talukap ng aking mga mata at tuluyan ng nakatulog. Nagising ako sa ingay sa aking paligid.

Boses ni Debbie na may kausap.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at si Debbie nga!

Na miss ko ang lukaret kong best friend.

Pinilit kong bumangon para kausapin siya.

"Ay besh gising kana! Careful lang." Sigaw niya at inalalayan ako sa pag-upo.

Na miss ko rin ang makabasag ear drum niyang sigaw!

"Okay lang ako Besh. Na miss kita!" Sigaw ko at niyakap siya.

Dama ko ang umbok ng kanyang tiyan. Magiging Mommy na talaga si Debbie at ako ay magiging ninang!

"I miss you too besh and I'm sorry!" Paumanhin nito na tila maiiyak.

Masyadong emotional si Debbie ngayon. Dahil siguro sa ipinagbubuntis niya.

Kaya dapat hindi siya ma stress.

"Ano ka ba! It's not your fault besh. Pero ikaw na ang Best actress. Napaiyak mo ako." Nakatawa kong sagot.

Pero napawi ang mga ngiti sa aking labi ng maalala si Dad!

Is he still alive?

Bigla akong kinabahan.

"Bakit besh? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Debbie.

"S-si Dad. Okay lang ba siya?" Tanong ko.

"Jusko, akala ko kung ano na Besh! Oo, okay lang si Bigote este si Uncle Juanito. Si Zac yong tumawag kanina. Pinapasabi niya." Sagot ni Debbie.

"Then, let's go to the hospital besh." Sambit ko at agad na tumayo.

"Wait besh! Maligo ka kaya muna haha." Nakatawa nitong sabi.

Napatingin ako sa aking suot.

My gosh! Ang dugyot ko na nga!

Parang isang taon tumagal ang gyera sa dumi ng aking suot.

"Sandali lang besh, hintayin mo ako dito." At agad na akong kumaripas ng takbo.

Napailing nalang si Debbie.

Tumawa ka lang diyan besh haha.

Mabilis lang ako natapos at lumarga na kami ni Debbie sa hospital.

naabutan namin sila Mommy at Daddy. Kung ano man ang napagkasunduan nila ay sa kanila na 'yon gusto ko munang magpahinga sa mga problema.

At kahit anong gawin ko ay tatay ko parin si Juanito.

Buti nalang talaga at hindi ako naging si Juanita!

"Are you okay, Alexis?" Ang nag-aalalang tanong ni Mommy.

"Okay lang ako Mommy. Nasaan si Zac?" tanong ko.

"May binili sa labas. Uuwi muna kami ng Daddy mo ha. Maliligo at magpapahinga lang kami sandali." Paalam nito.

"Huwag na kayo bumalik Mommy. Ako na dito, maraming dapat asikasuhin dahil sa nangyaring gyera." Sagot ko.

"Okay, mag-ingat kayo dito at maya-maya lang ay andiyan na si Zac." Si Daddy ang sumagot at tumango na lamang ako.

Kanina pa ako gustong bumulalas ng tawa at hindi ko na talaga napigilan!

"Bwahahahah" Tawa ko.

"Okay ka lang Besh?" Ang nagtatakang tanong ni Debbie.

"Okay lang ako haha. Dad, pwede na dumilat 'yang mga mata mo. Stop pretending!" Sigaw ko.

Nagmulat na nga siya ng kanyang mga mata at nakitawa sa akin.

At si Debbie ay naguluhan! Baka akala niya na lukaret ang mag-amang ito.

Lukaret naman talaga kami!

Tumigil ako sa pagtawa at sumeryoso.

"Okay ka lang Dad?" Ang tanong ko.

Napatigil naman siya sa pagtawa.

"Okay lang ako at sumakit lang ang likod ko kakatawa. Baka natanggal na ang tahi. Naku!" Masayang sagot nito.

Buti naman at okay siya. Makakahinga na ako ng maluwag. Ang daming nasayang na buhay dahil sa walang kwentang gyera! Nakakalungkot isipin.

"Teka, baka ikaw ang hindi pa okay?" Ang nakakunot noong tanong nito.

"Nalungkot lang ako. Sana matahimik ang lahat ng kaluluwa sa nangyaring gyera." Malungkot kong sagot.

"Don't worry besh, konti lang ang casualties. Effective ang plano nila Zac at Hector." Singit ni Debbie.

"Kasali si Zac sa plano?" Di-makapaniwalang tanong ko.

Hindi man lang niya sinabi sa akin!

"Yes Besh, Sorry kung hindi namin sinabi sa iyo. This is the best plan daw sabi ni Zac at nagtagumpay naman. Sorry ulit besh, tagal ko rin tiniis na hindi ka makausap sa phone!" Ang guilty na paliwanag ni Debbie. "Nangyari na besh, wala na akong magagawa eh. Pero may konting tampo lang ako dahil hindi ako kasali." Nagtatampo kong sagot.

"Sorry na besh." Naka pout lips pa si Debbie.

"Hindi na ako galit!" Nakatawa kong sagot at biglang bumukas ang pintuan.

Inuluwa ang Demonyitang si Annalise at si Rond?

Buhay siya!

Napatayo ako at agad siyang nilapitan.

"Rond, I'm glad that you're alive!" Sigaw ko habang hawak and kanyang balikat.

Pero agad din naman itinaboy ni Demonyita ang aking mga kamay!

"Careful, kahit pinsan kita ay off limits parin si Rond! He is my personal property and mine only." Nakataas kilay na sagot nito.

"Demonyita ka talaga! Hindi ko aagawin si Rond dahil may asawa na ako. He's all yours! So, Don't worry." Nakameywang kong sagot.

Aba, Mataray parin si Demonyita. At hindi naman magpapatalo ang Lola ninyo!

"Then okay, but I still don't like you! Uncle, I'm sorry but we gotta go. May fruits ako dito kainin mo nalang mamaya." Sabay lapag niya ng mga ito sa lamesa.

Si Rond ay tahimik lang at lumabas din kasunod ni Annalise.

"Dad, I don't like her a bit! Is she really my cousin?" Nakasimangot kong tanong.

Tumawa na naman ito ng malakas. Pag 'yang tahi mo ay natanggal, Naku bahala ka na!

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Malaki na naman siya. Hayaan na natin na tumawa ng tumawa.

Hala cge, tawa pa more Dad!

"Yes, my daughter. Pareho kayong fierce at stubborn. Kaya magkakasundo kayo." Nakatawang sagot nito.

"Ay wow besh, Baka maging mag best friend kayo ha at makalimutan mo ako." Biro ni Debbie na nakitawa na rin kay Dad.

"What the hell! Nagpapatawa ba kayo?"Naiinis kong tanong.

At sabay pa talaga silang napahalakhak!

Mga bwesit!

"I'm not my daughter. But I know in time ay magkakasundo din kayo." Seryosong sagot nito.

That will never happen!

Pero hayaan na natin si Dad. Baka makunsumisyon pa siya sa akin ng husto.

Biglang bumukas ulit ang pintuan!

Ang daming bisita ni Dad. Hindi na siya King of Butterfly Gang. Ano na kaya ang nangyari sa grupo nila?

Huwag kanang magtanong Alexis, no more war na!

Ay brain, you're still alive! Hehe.

But wait-

It's Adrian!

"Hello, My Lady." Nakangiting bati niya sa akin.

Alanganin ako kung ngingiti ba o ano?

That means, we are brothers? Ay sisters?

Ewan!

"Humanap ka ng My Lady mo Adrian. Magkapatid kaya tayo. Tumigil ka sa pagiging flirt mo!" Saway ko sa kanya.

At tumawa naman ito ng malakas.

Naku, Debbie lahi na nga talaga kami ng mga baliw!

Napatingin ako sa kanya at naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin at nakitawa pa!

Baliw din ang friend ko. Alam ko naman matagal na haha.

Ano ba!

"Pumunta ka lang ba dito para tumawa? Nasaan na? Wala ka bang foods for Dad?" Tanong ko.

"Wala, I'm here to report. Ang dami na kayang foods dito. Hindi yan mauubos ni Daddy. At isa pa, we are not siblings. Hindi ako tunay na anak ni Daddy. Anak lang ako ni Mommy." Paliwanag ni Adrian. Nanlaki naman ang mga mata namin ni Debbie.

Nagulat lang mga besh!

"Dad? So, wala akong kapatid?" Nagtataka kong tanong.

"Stop with your nonsense Adrian. Magkapatid parin kayo Alexis because I legally adopted him." Sagot ni Dad.

Yon naman pala. Pero ang awkward parin eh!

"Not unless ma in love ka sa akin my Lady. Epa cancel ko ang adoption. Ano may pag-asa ba?" Nakangiting tanong nito na may kasamang pa cute.

"Eww! ka Adrian!" Nandidiri kong sagot.

"In your Dreams! Why don't you find a girl na walang asawa?" Ang naiinis na tanong ni Zac.

Andiyan na pala siya at hindi namin napansin!

"Calm down my brother. Nagbibiro lang ako haha." Nakatawang sagot nito.

Baliw ka talaga Adrian!

"Let's go outside." Sabay hila sa akin ni Zac.

"Wait, si Debbie iiwan ba natin?" Pigil ko sa kanya.

Bigla nalang nanghihila eh, pero gusto ko naman!

"Hector is waiting outside to pick her up." Sagot ni Zac.

"Dad? Okay ka lang dito?" Nag-aalala kong tanong.

"Of course, andito naman si Adrian my daughter. We have something to talk. Kaya lumabas muna kayo ni Zac. I'm getting older bigyan niyo na ako ng apo!" Sagot ni Dad na nakangiti.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Naku! Si Mom at Dad ay parehong excited magkaapo. Namula ang aking pisngi sa sinabi ni Dad.

Nakakahiya!

"Enjoy besh, Balitaan mo ako hehe." Ang kinikilig na sigaw ni Debbie.

Lukaret ka talaga friend!

Sumakay kami ng elevator ni Zac and he press the top floor?

"Zac, Ano ang gagawin-"Naputol ang aking sasabihin nang bigla niya akong halikan!

Ang sherep mga besh! Nag-init na naman ang aking pakiramdam na animo nagliliyab!

Ang init at ayaw ko ng matapos pa ang halikan na ito.

Nang biglang bumukas ang elevator.

At pumasok ang limang kababaihan.

Agad akong bumitaw sa pagkakayakap kay Zac.

Awkward!

Pero si Zac ay nakangiti lang.

Pilyo ka talaga pangit ka!

Pangit na naman kasi naka maskara again.

Kailan kaya mawawala ang kanyang phobia?

Magka holding hands kami ni Zac sa likuran and I love this feeling!

Sana hindi na matapos ang kilig na ito.

Pero kinakabahan ako sa aming contract.

May amnesia naman siya baka hindi pa niya maalala.

Pero alam niya ang tungkol sa contract Alexis!

Bigla ko tuloy naalala si Mom at Dad. Kumusta na kaya sila sa Japan?

Sana okay lang si Mom at hindi na trauma.

Nakarating din kami sa wakas ni Zac sa rooftop ng hospital.

At napakaganda! Hindi mo aakalain na may garden dito.

Puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak.

At ang bango!

"Let's go in there!" Aya sa akin ni Zac.

At mapapa wow ka sa ganda ng view!

Kita ang buong City sa baba at halos abot kamay lamang namin ang ulap. Malapit ng gumabi at nakikita ko na rin ang kulay orange pink na sunset.

"Ang ganda!" Masayang sigaw ko.

"Beautiful!" Ang sagot ni Zac at bigla akong niyakap sa likuran.

"Thank you Zac. Ang ganda rito. Nakaka relax!" Sambit kong nakangiti.

"You're welcome." Sagot niya at hinila ako paharap.

Hindi ko nakikita ang kanyang mukha pero alam ko na nakangiti rin siya.

Tinanggal niya ang kanyang maskara at nalunod ulit ako sa kanyang mga mata.

Kasabay ng paglubog ng araw ay ang magandang kulay ng sunset na nag re-reflect sa mga mata ni Zac.

Ang kulay gray niyang mga mata ay bumagay sa napakagandang kulay ng sunset!

Ang gwapo ng baby ko!

He caress my face gently and slowly pull it towards him and we kiss!

We shared a gentle and passionate kiss.

At ang puso ko ay mas maingay pa sa aking brain!

Kalma ka lang heart baka atakihin ka. Nakakahiya 'yon!

Enjoy nalang natin ang magical moment na ito.

Mahal ko na talaga si Zac Rogen Walker!

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report