FORGET ME NOT
Chapter 3 – Rain.

"IKAW na naman!" Sira agad ang araw ni Hope nang madatnan niya si Rain sa Myca's two days after ng infuriating encounters nila.

"Uy, ikaw ulit, Ms Sungit?" Cool lang na saad nito. "Grabe ha, hanggang dito ba naman nakasunod ka? Malapit na akong matakot sa'yo. Stalker ba kita?" "Excuse lang ho 'no, dito ako nagtatrabaho... Ibig sabihin, ikaw ang sumunod sa akin! Tabi riyan!"

"Oh? Eh, dito rin ako nagtatrabaho." Sinabayan nito ang pagmamartsa niya papasok sa loob.

"Talaga? Kailan pa?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Kahapon lang. Teka nga, 'di kita nakita dito kahapon."

"Absent ako. Paki mo ba?"

"Bakit ba ang suplada mo? Inaano ba kita?"

"'Wag mo kasi akong susundan. Naiinis ako sa'yo!" Angil niya nang humarang pa ito sa daraanan niya.

"Uy ha, may gusto ka ba sa akin?" Tumaas na naman ang sulok ng labi nito sa isang nakakainis na ngisi.

"Kapal naman," ngumiti siya rito, 'yong best smile niya. Para namang natigilan ito at napakurap. "Tabi at baka ikaw pa ang ma-inlove sa'kin!" She walked passed him. "Bakit ka nagpapa-cute?" Sinundan pa rin siya ng binata.

"Natural ko 'yon."

Tumawa lang ito at nilubayan siya.

"Sira ulo," bulong niya.

They were like aso't pusa ng mga sumunod na linggo. Sa housekeeping din ito kaya ayaw man ni Hope, lagi silang nagkikita.

"Understaffed ba ang resort?" Hindi na napigilan ni Hope ang sarili na komprontahin si Myca.

"Bakit?" Wala pa nga siyang sinasabi ang laki na ng ngiti ng kaibigan niya.

"Because I don't think we need Rain here!" Galit na galit siya, hindi kasi siya tinigilang asarin ng asarin ni Rain kanina. Tinawag pa siya nitong matabang baboy gayong hindi naman siya mataba.

"Ito naman. Inirekomenda kasi ni Mang Paeng. Hindi ko matanggihan. Alam mo naman na asawa niya ang pinakamamahal kong Yaya," paliwanag nito.

"Eh bakit sa housekeeping pa? Andami na namin doon!"

"Cute kasi kayong magkasama," tukso nito.

Napatampal siya sa noo. Sinadya ba nitong pagsamahin sila ni Rain?

"That guy infuriates me!" Bulalas niya.

"Mabait naman 'yong tao, Hope. Besides, aminin mo, medyo gumaang ang trabaho mo lalo na sa laundry..."

"Excuse me? Hindi siya mabait. And I can do the laundry alone!"

"Hah... Ewan ko sa'yo. Ako ang boss. Ako ang masusunod," irap ni Myca.

"Why are you doing this to me?" Sa halip na umalis ay naupo siya sa harapan ni Myca.

"Hope Ferreira, kasal na ang kapatid ko. Hindi ka na no'n babalikan." Sa halip ay diretsang sabi nito at parang mapait na likidong gumuhit iyon sa kalamnan ni Hope.

"What are you talking about?" Maang-maangan niya pero tiningnan lang siya ni Myca nang nananantiya.

Michael- Myca's older brother was her former flame. Actually, childhood sweetheart. Pero dinurog lang nito ang puso niya noong ma-inlove ito sa naging kaklase nito sa Maynila noong nag-college ito sa lungsod. At ngayon nga, kasal na ang mga ito.

"It's not about Michael," sabi niya. "Hello, ilang taon na ba nakalipas? Five years? Move on na move on na ako sa kapatid mo. Otherwise, I'm not going to work here!"

"Oh siya, sabi mo, eh. But I am not pulling Rain out," pagtatapos nito ng usapan and she had no choice but to go out.

Naiinis siya na pinaalala ni Myca ang kuya nito. She was over him. Michael doesn't affect her anymore...

Pero twenty minutes later, natagpuan niya ang sariling umiiyak sa silong ng malaking puno ng mangga sa likurang bahagi ng Myca's.

Five years ago na 'yon at ngayon ay masayang-masaya na ang dati niyang kasintahan. But for some reason, siya hindi pa rin masaya. Myca always tells her na hindi deserve ni Michael ang mga luha niya. Yeah, mas kampi ito sa kanya kaysa sa kapatid nito. Her brother might have found his true love in another girl but it didn't change the fact that he broke her young heart.

"Oh," awtomatikong napa-angat ng paningin si Hope sa taong nag-aabot ng mangga sa kanya. Oo, mangga, hindi panyo na pamunas dapat ng luha niya. "Ikain mo na lang 'yan." Naupo sa tabi niya si Rain na para bang binigyan niya ito ng permisong pakialaman ang pag-eemote niya.

May dala itong ilan pang pirasong mangga, kutsilyo at asin.

Dahil abala pa sa pagpupunas ng luha, 'di niya nakuhang magsungit agad.

"Ang mga taong pinapaiyak ka lang, walang kwenta," sabi nito.

"Akala mo naman kilala mo," sagot niyang nakatitig sa manggang hawak.

"Halata naman sa'yo na walang kwentang tao ang iniiyakan mo, eh," medyo mayabang pa rin ang dating ni Rain pero in fairness kaunti lang. "May kahalong pagdadabog 'yang pag-iyak mo."

Napatingin siya rito. Kanina pa ba siya pinapanood ng taong 'to? Sa inis kasi niya kanina, nagpapapadyak siya. Gusto niyang sumigaw but she couldn't do that dahil may mga guests sila.

"Tama ka. Wala siyang kwenta." For the first time, nagkasundo sila.

Thinking about Michael now, she realized na hindi niya dapat ito iniiyakan. It wasn't love anymore, galit na lang ang dahilan ng pag-iyak niya. Hindi niya matanggap na after all ng lahat ng pagmamahal na kayang ibigay noon ng batang siya ay nagawa pa rin siya nitong ipagpalit.

"The more you will think that he's an *ssh*le, the lesser it will hurt," he said.

"Expert ka ba?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"No. But I think it's effective," tugon nito habang busy na nagbabalat ng mangga.

Lihim niya itong pinagmasdan. Kung absent pala ang kayabangan nito ay mas lalong lumulutang ang kagwapuhan nito.

"Don't look at me like that, Hope. I know I am right."

"Tsk," aniya. "Kung maka-english naman 'to," she noticed that, hindi ito mukhang hampaslupa. In fact kung hindi niya alam na sa sahod lang nito sa Myca's ito umaasa, iisipin niyang rich kid ito. Gaya noong una niya itong nakita, akala niya ay isa itong turista. Turned out, kargador pala ito sa palengke.

"So, are you going to share your problem with me?"

"No," maagap niyang sagot with matching taas ng kilay. "Hindi tayo close."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"But it will make you feel better." Pinangunutan siya nito ng noo.

"Kahit pa."

"Okay." Kinuha nito ang binigay nitong mangga kanina at pinalitan iyon ng nabalatan na.

"Thanks."

That marked the start of their love-hate relationship as friends. Magkaibigan na sila pero mas madalas pa ring magkaaway.

*****"KUYA is coming next week." Binisita siya ni Myca sa station niya.

"So?"

"Bakasyon sila ng asawa niya dito mismo sa resort."

"Okay." She shrugged.

"Are you okay with it? I mean, if not, you can take a leave."

"Alam niyang nagtatrabaho ako rito. Taking a leave would mean affected pa rin ako." Umiling siya.

"Sigurado ka, ha? Concern lang naman ako. Alam mo na, may pagkasira si kuya minsan. Idagdag pa yong asawa niya. Tsk..."

"You should learn to acceptKim. She's your sister-in-law."

"Know what? I'm actually happy that you didn't end up with Kuya. He deserved to be with Kim. Pareho silang masama ang ugali." Humalukipkip ito and Hope just laughed at her friend. "That's so mature, Myca."

"Whatever... So, kumusta naman kayo ng bago mong best friend?"

"Who?" She frowned.

"Si Rain!"

"Kailan ko naman naging best friend 'yon? Best enemy, pwede pa!"

"Oo na... I-deny mo pa. Mahuhuli rin kita, Hope Ferreira."

She shrugged. As if.

*****

IT WAS five years ago when she last saw Michael. That time, Hope was like a super devastated young girl who couldn't accept that her boyfriend left her for another girl.

Five years later, here she was faking a smile on her face while standing in front of her ex and his wife.

"Dito ka pa rin pala nagtatrabaho?" Sabi nito na may pangmamaliit sa boses, she wanted to roll her eyes. Minamaliit nito ang negosyo ng pamilya nito na naging daan para maabot nito ang kinaroroonan nito ngayon? And it wasn't like he was super successful. Nagkataon lang na napakayaman ng pamilya ni Kim. "Hindi ka na nakaalis sa lugar na 'to."

"Yeah. Gusto ko ang buhay dito sa San Gabriel," sagot niya.

"Oo nga pala. Hope and her simple joys," ngumisi ito. "By the way, this is my very beautiful wife, Kim," hinalikan nito sa harapan niya ang asawa nitong kung makalingkis din dito ay dinaig pa ang possessive na sawa sa prey nito. "We already met." She was disgusted. Hindi siya nag-effort magpaka-nice. Paano naman niyang 'di makikilala si Kim kung kasama pa nito ang babae noong nakipagbreak ito sa kanya?

"So, are you still single?" Tanong nito. "Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin nakakamove on?" Mayabang nitong dagdag. "Hope -" itinaas nito ang mga kamay nilang magkahawak, showing off their fancy wedding rings. "I'm already married." Gusto niyang magreact ng bayolente. Like putulin ang kamay ng mga ito para mabawasan ang kayabangan nilang dalawa. Who did they think they are?

Pero bago siya makaapuhap ng sasabihin, an arm snaked around her waist and lips pressed against her cheek.

"Play along," she heard Rain whispered.

Kulang ang sabihing nagulat siya but she managed to stay natural at the gesture sa kabila ng kakaibang sensasyong dulot ng ginawa nito. Maybe he was offering the help she didn't know she needed until she saw Michael's eyes na halos lumuwa sa pagkagulat.

"I've been looking for you, sweetheart." Isa pang halik sa pisngi niya ang iginawad ni Rain sa kanya, making her ball her fists on her side. "Andito ka lang pala. Who are these people?"

"Hey," pasimple niyang inalis ang kamay nito sa bewang niya habang lihim itong pinandidilatan. "Rain, this is Michael, Myca's brother. And his wife Kim," pakilala niya. "Guys, this is Rain." "Hope's boyfriend," Rain added to her introduction.

Gusto niyang sawayin si Rain sa kasinungalingang sinabi nito but seeing Michael and Kim's surprised faces was priceless. Worth it magsinungaling kung ang ibig sabihin noon ay ang pagka-deflate ng self confidence ng mag-asawa sa harapan nila.

"Really?" Nakabawi na si Michael. "Good. Good." Tumango-tango ito tapos inakay na nito ang asawa palayo sa kanya.

*****

"ARAY! Bakit ka nanununtok?" Reklamo ni Rain nang bigla niya itong suntukin sa mukha nang makaalis sina Michael at Kim.

"That's for stealing me a kiss!"

"What?!" Hindi makapaniwalang tanong nito. "I helped you! Is that how you say thank you?"

"I didn't ask for your help!"

"Wow ha? So, okay lang sa 'yo na pinagmumukha kang gag* ng dalawang 'yon?"

"Hindi ako naaapektuhan ng mga sinasabi nila."

"Liar."

"I'm not."

"Kaya pala kawawa ang itsura mo kanina."

Natameme siya sa sinabi ni Rain. Totoo ba? Kahit ba feeling niya 'di naman siya affected, her actions said otherwise?

"The least you could do is thank me, Hope. You should not let other people see you as someone so worthless. You are more than meets the eye, Hope. You are special. Remember that and do not forget," he said before walking out. Naiwan siyang nakatulala sa papalayong binata.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report