FORGET ME NOT
Chapter 22 – Weigh things.

Kaden's a Doctor. May mga pagkakataon talaga na kahit may usapan silang susunduin siya nito sa restaurant, hindi ito makakarating kasi may emergency sa ospital.

Okay lang naman 'yon kay Hope. Tulad noong isang gabi, hindi siya nito nasundo kasi may biglaang surgery. Pero ngayong gabi, tumawag ito at sinabi na hindi uli ito makakarating. "I need to see Zoey," he said.

"Sure, Kade. I'll just take a cab," was her answer.

One week. Hindi madali ang relasyon nila ni Kaden. He's getting married in three weeks and yet hindi pa rin ito nakakatyempo na makausap si Zoey para hindi na ituloy ang kasal. "Hopie." Kaden sighed. "I'm sorry."

"Okay lang." She assured him.

Hope was trying to be patient. Hindi lang mapagpasensya, sinusubukan niya ring maging understanding. Lagi niyang sinasabi sa sarili na ikakasal na talaga sila Kaden at Zoey bago pa naging sila ng binata. "I'm trying. But it's harder than I thought," amin nito.

"I told you, hindi mo kailangang gawin 'to," halos pabulong niyang sabi para pigilin ang mga luha niya.

"Hopie, I love you and I'm going to make things right for us."

"I love you too, Kade."

"See you later. I might be home by eleven."

"Ingat."

Ang kailangan niyang gawin ay magtiwala kay Kaden. Pero tao rin naman siya, gusto niya rin ng assurance, ng security. Pero sa ngayon, sa mga pangako lang muna ng binata siya kakapit. He said he loves her. That's enough.

*****

HINDI siya dalawin ng antok. Kanina pa pinipilit ni Hope na matulog. Kaden sent her a message para sabihing hindi ito makakauwi kaya matulog na siya.

Sinigurado naman ng binata na hindi na nito kasama si Zoey. Tinawagan daw kasi ito sa ospital para sa isang emergency surgery. Pero kinakabahan siya. Kanina pa siya uneasy and she couldn't pinpoint the reason why.

She lied awake in bed. As in she was awake the whole night. Nabasa pa nga niya ang text ni Kaden na kakatapos lang ng isinagawa nitong operasyon and that it was successful. Hindi na siya nagreply para isipin nitong tulog siya.

She finally fell asleep pero umaga na. Sa madaling sabi, ginising siya ng alarm clock gayong katutulog pa lang niya. Wala naman siyang choice kasi papasok siya sa Isabella's. Hope grabbed her phone and sent Kaden a sweet good morning message.

It went unanswered. Siguro tulog ang binata. Dumiretso na lang siya sa banyo at naligo.

Mabibilis ang mga kilos na pababa na sana siya nang makarinig siya ng mga boses na sumisigaw at mga bagay na nababasag.

Binalot siya ng takot.

"Hope!" Tawag ni Kassey sa kanya.

"Kass," there was so much fear in her cousin's face.

"W-wag kang pupunta."

"Ha?" Confused na tanong niya. She could hear voices. And they were restless. Hindi lang niya matiyak kung kanino ang mga tinig. "Nasa study sila. Pero 'wag kang pupunta ro'n," medyo nagpapanic nitong saad.

"Kassey, anong nangyayari?" Unti-unti na rin siyang nagpapanic.

"Hope." Hinila siya nito palayo. "Umuurong na si kuya sa kasal! Ayaw na niyang pakasalan si Zoey!"

"H-ha?" Nagulat siya. Walang nabanggit si Kaden na nakausap na nito si Zoey tungkol sa bagay na iyon.

"Nasa study si Kuya at kaharap si lolo." Medyo nanginginig ito habang nangingilid na ang mga luha. "He's going to kill my brother!"

Natameme siya at awtomatikong lumipad ang tingin sa direksyon ng study.

"Hope." Umiiyak si Kassey. "You know me, ayoko silang magkatuluyan. Pero hindi ko gustong mapahamak ang kapatid ko. Not in the hands of my own grandfather!"

"Anong sinasabi mo, Kassey?" She tried to calm Kassey down kahit gusto na niyang tumakbo papunta sa study.

"Hope, Kuya Kade is not a Fontanilla. Hindi magdadalawang isip si lolo na saktan siya!" Tapos may narinig silang putok ng baril. "----teka! Hope!" Pigil nito nang bigla niya itong iwan at patakbong pumunta sa study.

"Kaden!" Nagmamadali siya pero huminto siya sa may pintuan. Bahagyang nakaawang iyon. Sapat para makita niya ang nangyayari sa loob.

Hope held a hand over her mouth. Umiyak hindi lang ang mga mata niya kundi maging ang puso niya when she saw Kaden kneeling in front of Agusto Fontanilla. Duguan ang mukha nito. Agatha have been restraining Edcel Aragon who looked ready to fight his father-in-law for his son.

Si Enriqueta naman ay sapo-sapo na ang dibdib at mukhang aatakehin na. But Agusto remained fierce. Nakatutok sa ulo ni Kaden ang baril ng matanda.

"Now tell me again that you are not marrying Zoey!"

"I'm sorry, lolo," sabi ng binata na hindi naman mukhang nagsisisi bagamat ay nakayuko bilang respeto sa abuelo. "Hindi ko na mahal si Zoey. Mali ang pakasalan ko pa siya."

"Stupido!" Galit na sigaw ni Agusto. "Hindi kita pinalaki sa pamamahay ko para ipahiya mo ako!"

"Hindi na po magbabago ang pasya ko."

"Sabihin mo sa akin ang dahilan, Kaden!" he ordered.

"I'm in love with somebody else," amin ng binata na lalong nagpagalit kay Agusto.

"Kanino?!"

Tiningnan lang ito ni Kaden pero hindi ito nagsalita.

Pigil ni Hope ang hininga niya. She wanted to rush in and tell her grandfather that she was the one Kaden's in love with. Baka sakali na kumalma ang matanda.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"I won't let you hurt her," matapang nitong sabi.

"Nonsense! Lumaki kang suwail, Kaden! Dapat noong una pa lang hindi na kita tinanggap. Tama ang hinala ko na magiging kahihiyan ka ng pamilyang ito! And now look what you've done! The Jimenezes are pulling out their shares from the company! You literally destroyed everything I have worked for all my life!"

"Papa, please stop." Pakiusap ni Agatha "Kakausapin namin ang anak namin. Hindi kailangang ganito!"

"Hindi mo siya anak, Agatha!"

"I raised him Papa! He's my child!"

"Papa, kakausapin namin si Kaden. Please leave this matter to us," pakiusap ni Edcel.

"You make sure that this good for nothing son of yours will do the right decision!"

"Yes, Pa!"

Tumalikod si Agusto at lumabas ng study. Nang makita siya nito, bahagya lang itong natigilan bago nagtuluy-tuloy.

"Stay here, Hope." Pigil ni Kassey sa kanya nang akma siyang papasok para puntahan si Kaden. "Maniwala ka sa akin. Hindi ka makatutulong."

"But Kaden is ----" gusto niya itong lapitan at yakapin. Assure him na ipaglalaban niya ito kung hihingiin ng pagkakataon.

"Listen to me," mariing sabi ni Kassey na hinila siya palayo. Dinala siya nito sa silid nito. "Hope, magtapat ka sa akin. Ikaw ang dahilan, 'di ba?" "Kassey," napamaang siya bago napayuko. "I love him," amin niya at halos ineexpect na niyang magagalit ang pinsan niya.

"I knew it," malumanay nitong sabi. "Hope, if the situation were different, boto ako sa ano mang meron kayo. Kaden is not my full blood brother but I grew up treating him as one. Hindi ko lang siya kuya, kaibigan ko rin siya at tagapagtanggol. Kaya ayoko kay Zoey kasi alam ko na hindi siya ang nararapat sa kuya ko. And when I met you and saw the connection you have with kuya Kade, right then I knew, I like you for him. Pero Hope, iba magalit si lolo. He would kill kuya and not even our parents can do anything about it!"

"He can't do that!"

"Kaya niya. Walang may lakas ng loob sa pamamahay na ito na kontrahin siya, Hope. Nakita mo ang nangyari, 'di ba? Ayokong saktan niya ulit si kuya..."

"But if you knew this is to happen, bakit gusto mong pigilin ang kasal nila noon pa?"

"I want Zoey to be the one to call it off. Kung hindi man, gusto ko na dapat si Zoey ang lalabas na may kasalanan. Not like this na si Kuya ang umayaw. Lolo will never take his side. Siya ang lalabas na masama!"

"I don't understand." Napasapo siya sa ulo.

"You can't continue your relationship with kuya. I'm begging you, Hope. If you love him, mas importante sa'yo na buhay siya."

"Ipaglalaban ko siya, Kassey," sabi niyang kulang na sa conviction ang tinig. "Kaden deserves to be happy. We deserve to be happy. Lalayo kami, Kassey."

"Of course," mahina nitong sagot. "Pero hindi mo gugustuhing habulin kayo ni lolo hanggang sa dulo ng mundo."

"Is he that powerful?"

"Remember your parents? Lolo destroyed his own son para lang mapaghiwalay sila ni Tita Jacque. Do you think, papayag siya sa relasyon nyo ni Kuya? Hope, no. Una pa lang binawalan na kami ni lolo na sabihin sa'yo na hindi Fontanilla si kuya. He somehow saw this coming. Kung aamin ka ngayon sa relasyon nyo, mapapahamak si kuya Kaden."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Napaiyak siya sa frustration. Bakit gano'n? Bakit ang hirap maging masaya?

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Kassey.

"Kay Kaden. Hindi ko siya pwedeng pabayaan!" Ipiniksi niya ang kamay ni Kassey na nagtangkang pigilan siya.

"Andoon sina mama at papa. Pati si lola! They will make sure na okay si kuya. Please, stay away. Even just this time." Frustrated na ring pakiusap nito "Please? Para kay kuya Kaden?"

Walang magawa na napaiyak siya. Images of Kaden kneeling in front of Agusto flashed in her mind. Parang sinasaksak ang puso niya na hindi niya ito pwedeng lapitan.

"I'll make sure na makakausap mo siya. For now, go to the restaurant, Hope. Pretend that you don't know anything."

Umiiyak na tumango siya. Labag sa loob na sinunod niya ang payo ni Kassey. Siguro tama ito. Besides, hindi pa niya kilala masyado ang lolo niya. Isa lang ang tumatak ngayon sa isip ng dalaga matapos masaksihan ang pananakit ng matanda sa mahal niya, malupit si Agusto.

*****

"I'M OKAY, Hopie. Kakauwi ko pa lang."

Kaden didn't sound okay at all. Hope closed her eyes in an attempt to stop her tears. Usapan nila ni Kassey na hindi ipapaalam kay Kaden na nakita niya ang sinapit ng binata. Mukhang wala ring plano si Kaden na sabihin sa kanya ang nagyari. Ayaw ba nitong mag-alala siya kaya kahit anong sinapit nito ay gusto nitong ilihim sa kanya?

"Good. Pahinga ka muna?"

"Yes. Iidlip lang ako saglit tapos babalik din ako sa ospital."

"Sige. Pahinga ka muna, Dr. Aragon. I love you."

"I love you too."

Hope felt helpless. Kailangang may gawin siya. Hindi dapat si Kaden lang ang magdusa. Lalo na kung dahil sa kanya.

Napapikit siya. Dahil sa kanya nasaktan si Kaden.

"Anong gagawin ko, Kaden? Would it be worth it fighting for our love? Paano kung mas mawala ka sa akin dahil do'n?" She asked herself.

Tulala siya buong maghapon.

Makakasama ba kay Kaden ang pagmamahal nito sa kanya? Why was running away not an option? Unfair iyon. Walang karapatan si Agusto na diktahan ang buhay nila.

Baka naman pwede niyang kausapin ang lolo niya. Atleast may gawin siya para sa kanila ni Kaden. Hindi niya dapat hayaan ang binata na mag-effort mag-isa.

"What if lalong mapahamak si Kaden sa gagawin mo?" Tanong ng isang bahagi ng utak niya. "You lost Rain once. Would you like to lose Kaden forever?"

"I love him," usal niya.

"Then 'wag kang magpadalos-dalos." Payo ng utak niya. "Hope, weigh things."

Napaiyak siya, undecided on what to do next.

Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report