Dominant Passion -
Chapter Twelve – Pregnant
MALALIM ang aking pagbuntong hininga. Hindi ko mawari kung nakakailang buntong hininga na ako ngayong araw. Nang matanaw ko na si Mama sa labas ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "Mommy!" Tawag ko sa atensyon niya kahit mamatay matay na ako sa sobrang kaba.
Ngayon ko sasabihin kay mama na buntis ako.
Iniwan niya ang nilalabhan niya. Pinahid niya ang kanyang basang kamay sa likuran ng kanyang damit. Bago ako masayang dinaluhan. Ang ngiti sa kanyang labi ay hindi mahihigitan ng kahit sino man. Paano ko sa kanya sasabihin na ang buntis ang anak niyang pinakainiingatan?
"Jani!" Masayang tawag nito sa pangalan ko. Inabot ko ang kanyang kamay para magmano. "Bakit hindi ka nagsabi na dadating ka pala? Sana manlang nagluto ako ng paborito mong spaghetti!"
Pinilit ko ang sariling mapangiti. Mukhang napansin niya naman 'yon kaya bahagyang nawala ang malapad niyang ngiti.
"Bakit? May problema ba, anak?" Tanong niya at nilapitan ako. "Niloko ka na naman ba ng bagong boyfriend mo?" Tanong niya.
Mabilis ko siyang niyakap. Parang matatanggal na ang puso ko sa sobrang lakas ng kalabog nito. Kilalang kilala niya ako pero ngayon ay nagkamali siya na naloko na naman ako. Hinding-hindi ako lolokohin ni Brelenn.
"Ma..." Hindi ako makapagsalita ng maayos habang nakayakap sa kanya. "Ma, may sasabihin po ako,” dagdag ko pa.
Hinimas niya ang aking buhok para patahanin ako pero hindi ako natinag. "Shh..." Pagpapatahan niya sa akin. "Ano ba ang nangyari? Tama ba, naloko ka ulit?"
"Ma h-hindi po a-ako naloko..." Sunod-sunod ang aking pag-iling. "Kasi ma..."
"Ano ba 'yan, Jarell? Sabihin mo nga sa akin ng diretso. Tara't pumasok tayo sa loob ng bahay at doon tayo mag-usap. Paniguradong hinahanap ka na ng ama mo." Hinila niya ako papasok sa bahay.
Ang bahay na bato namin ay parang 60s vintage ang style. May mga parisukat pang bintana na nagiging kulay lupa na sa kalumaan. Pamana pa ito sa amin ng lola ni mama.
Natanaw ko si papa na nakaupo sa monoblock chair at may hawak na remote. Mukhang nanonood siya ng tv dahil sa repleksyon ng ilaw na nasa kanyang mukha. "Jaime, ang anak mo, narito."
Mas lalo akong kinabahan nang tawagin ni mama si papa sa kanyang pangalan. Dati pa lang ay strikto na sa akin si papa lalo na sa akin dahil ako ang nag-iisang anak na babae. "Jarell!"
Isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ni papa. "Bakit hindi ka dumalaw rito noong pasko noong nakaraang taon? Nagtampo kami ng nanay mo sa 'yo,"
"P-Pasensya na po," sa wakas ay nausal ko. Noong araw na 'yon kasi ay nag-inuman kami ni Brelenn dahil miss na miss ko pa noon ang ex kong si Naythen.
"Bakit ka naparito? Namiss mo ba kami? Sa wakas ay naisipan mong pumunta rito!"
"Tama na, baka naman hindi na 'yan bumalik dito dahil pinagtataasan mo ng boses." Singit ni mama. "Tara't umupo ka muna. Kumain ka na ba?" Agad akong tumango sa tanong ni mama. "Nasaan ang kaibigan mong si Brelenn?"
Isang malalim na hininga muli ang aking inilabas bago ako umupo sa pang-isahang sofa. Dalawang piraso lamang iyon kaya si mama ang naupo sa isa pang sofa samantalang si papa ay umupo muli sa monoblock chair. "Kanina ko pa napapansin na namumutla ka. Anong problema?" Tanong ni mama.
"G-Gusto ko lang pong mag-sorry muna. Alam kong magagalit po kayo at kung hindi ako humingi ng tawad ngayon ay baka hindi na ako magkaroon ng pagkakataon pa dahil sasama ang loob niyo at lalayuan niyo ako. Kaya ngayon pa lang po, sorry..."
"May kasalanan naman pala," ngumiwi si papa. "Naku, buhay mo na 'yan. Ikaw ang magdedesisyon sa sarili mo, malaki ka na. Hindi namin hawak ang buhay mo araw-araw." Yumuko ako. "B-Buntis po ako, ma, pa,"
Hindi ko malaman ang naging reaksyon nila pero natahimik sila pagkatapos ko iyong sabihin. Nang ilang minuto na ay wala pa akong naririnig na nagsasalita ay napa-angat muli ang aking tingin kasabay ng pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang kaba.
Nalaglag ang panga ni papa at nanlalaki naman ang mata ni mama. Parang gusto nilang magsalita pero napapatigil sila. Hindi lumalabas ang boses sa paggalaw ng kanilang labi. Wala silang masabi.
"A-Ano?" Sa wakas ay nausal na ng ina ko.
"I'm pregnant, buntis po ako, ma." Diretsahang sabi ko at napahagulgol.
"Magiging... Magiging lola na ako?" Mahinang tanong nito sa akin at hinampas naman si papa na kinailangan pa niyang tayuin para lamang mahampas. "Jaime, lolo ka na!" Isang halakhak ang lumabas sa bibig ni mama. Nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata samantalang si papa ay nakatulala pa rin.
"Hindi ka pa kasal," seryosong sabi ni papa at tumingin sa akin. "Sinong ama niyan? Si Naythen ba?"
"Pa!" Sigaw ko agad. "Matagal na ho kaming tumigil sa relasyon ni Naythen. Ikinasal na rin po siya sa ibang babae---"
"Kung ganoon, sino ang ama niyan?"
Natahimik ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko.
"S-Si Brelenn po,"
Mariing napapikit si papa. Nagpalit sila ng reaksyon ni mama na ngayon ay mas lalo pang nanlaki ang mga mata. "Ano?!" Bulaslas nito. "Paanong nabuntis ka ng batang iyon?! Hindi ba't hindi siya marunong magseryoso ng mga relasyon? Hindi ka pananagutan noon---"
"Ma, pa, kilala niyo po si Brelenn, hindi ba?" Pinunasan ko ang luha ko. "Tinago ko po sa kanya na buntis ako dahil kailangan niyang puntahan ang ama niyang may sakit sa France. Doon na rin po siya magtatapos ng medisina para pagkabalik niya rito ay doktor na siya."
"Ti... Tinago mo?" Hindi makapagsalita ng maayos si mama. "Anong gagawin namin sa 'yo? Paano na lang kung mahirapan tayong magpakain diyan sa anak mo dahil model ka, walang kukuha sa 'yo pagbuntis ka---"
"Ma," mariin akong napapikit. "May ipon po ako para sana makagala ako sa New York noon. Iyon na lang po ang gagamitin ko hanggang sa bumalik si Brelenn dito sa Pilipinas. Sabi niya pagbalik niya rito ay doktor na siya at papakasalan niya ako---"
Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Sa sobrang lakas noon ay hindi ako nakaharap agad. Napahawak na lang ako roon sabay tingin sa mga mata ng ama kong galit na galit.
"Tinakasan ka na non!" Nanggagalaiti nitong sigaw sa akin. "Sa dinami-rami ng lalaki sa mundo doon ka pa sa kaibigan mo nagpabuntis? Pinagkatiwalaan namin kayong dalawa!" "Jaime!"
"Huwag mo akong hawakan, Luisa!" Malakas na palahaw nito sa aking inang gusto lamang siyang hawakan para pakalmahin. "Ang anak mong 'to buntis at tinakasan pa tapos masaya ka dahil magiging lola ka na? Nahihibang ka na ba?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa asawa.
Hindi ako makapagsalita. Tanging pagtulo na lang ng luha ang aking nagawa. Hindi iyon matigil. Napahagulgol na lang ako habang nakayuko.
"Anak... Matagal na naming gusto na magkaroon ka ng pamilya mo dahil tumatanda ka na pero bakit sa kaibigan mo pa?"
"Jaime!" Tumaas din ang boses ni mama. "Mabait na bata si Brelenn! Kahit kailan, hindi niyan iniwan si Jarell! Magalang siya sa ating dalawa, alam mo 'yan, hindi ba? Pinili ng anak mo na itago dahil alam kong pag sinabi ni Jarell na buntis siya ay hindi tutuloy sa pag-alis ang batang 'yon!" Pagtatanggol ni mama sa akin at niyakap ako. Napakapit na lamang ako sa kanya at umiyak.
"Bahala kayong dalawang mag-ina!" Mabilis na lumabas si papa ng bahay.
Naiwan na lang kaming dalawa ni mama roon.
Kinulong ni mama ang mukha ko sa kanyang dalawang kamay para pakalmahin ako. Inaalis niya ang mga hibla ng buhok ko na tumatabon sa aking mukha habang ako'y tumatangis. "Hayaan mo nak... Kakausapin ko ang tatay mo." Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Magpahinga ka na muna, malayo ang binyahe mo at buntis ka pa. Kakausapin ka namin bukas." Tumango ako at tahimik na umakyat sa taas para pumunta sa kwarto ko. Marahas ang aking pagpunas ng luha dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Nagvibrate ang aking bulsa kaya agad kong tiningnan ito. Pilit kong pinakalma ang aking sarili hanggang sa hindi na nababahid ang pag-iyak sa aking boses bago ko sinagot ang tawag ni Brelenn. "Video call!" Sabi niya agad.
"Ayaw ko muna..." Napahawak ako sa mata kong namamaga na kakaiyak ko.
"Ah okay..." Ramdam ko ang saya sa boses ko. "Kumain ka na ba? Malapit na mag-gabi ah. Nandito na ako sa airport ng France. Miss na miss na kita agad, Jani."
Kakapunas ko lang ng luha ko ay napalitan ito ng panibagong luha. Napatakip na lang ako ng bibig para hindi niya marinig ang aking hikbi.
"M-Miss na miss na rin kita..." Pilit kong diniretso ang aking boses. "Mamaya na ako kakain, hindi pa naman ako gutom eh kasi kumain na ako three hours ago."
"Iyong pangako ko sa 'yo ha, huwag mong kakalimutan," sabi niya gamit ang malambing na boses. "Babalikan talaga kita. Sabihin mo 'yan kay Tita Luisa at Tito Jaime kapag dinalaw mo sila ulit, pinapangako ko kahit sa kanila na papakasalan kita." Tumango na lang ako kahit hindi niya 'yon nakikita.
Sana nga... Sana gawin mo ang pangako mo, Brelenn.
"Kumusta ang araw mo?" Tanong niya matapos ang ilang segundong katahimikan.
"A-Ayos lang naman..." Pagsisinungaling ko.
"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo," mariin akong napapikit sa kanyang sinabi. Kilalang kilala niya talaga ako kahit sa tono pa lang ay alam na niya kung malungkot ako o masaya. "May nangyari ba? Kumusta?" Ulit niya. "Wala naman, masama lang ang pakiramdam ko," sabi ko na lang.
"Weh ba? Ano bang nararamdaman mo?"
"Sumisikip ang dibdib?" Patanong pa ito.
Natawa siya sa kabilang linya, nahalata ang pagsisinungaling ko. "Baka need niyan ng masahe ko. Pakisabi sa dibdib mo hintayin ako, nonstop ko siyang bibigyan ng massage service pagkabalik ko riyan."
Tumawa rin tuloy ako. Kahit kailan, puro siya kalokohan!
"Pero seryoso, anong nararamdaman mo?"
"Wala, wala lang siguro ako sa mood."
"Ganoon ba..." Ramdam ko na tumatango siya kahit hindi ko pa siya nakikita ngayon. "Ngayong araw na 'to susunduin ako ni mama rito. Hinihintay ko na lang siya. Mukhang balisa nga iyong boses habang kausap ko kanina bago tinawagan eh." "Ganoon? Bakit naman kaya?"
"Ewan ko, baka nag-aalala sa manlolokong lalaki na 'yun. Tsk. Nakakaawa rin talaga si mama." Sagot niya. "Alam mo ang panloloko, mahal ko? Hinding-hindi ko iyon gagawin sa 'yo. Pag ginawa ko 'yon, tanggalin mo ang ari't mata ko tapos ibenta mo ang mga lamang ko sa mga Ospital para namang may maiambag ako sa mundo." Humalakhak siya.
It made me smile too. When he's happy, I'm happy. Ganoon kaming dalawa eh. Pag malungkot siya, malungkot din ako. Ganoon din siya sa akin. Pag masaya ang isa, masaya kaming dalawa. Para bang konektado kami?
"Baka hindi na ako makatiis, one week pa lang ay padalhan na kita ng ticket papunta rito. Miss na miss na talaga kita agad, Jani ko. Mag-iingat ka palagi, ah? Mag-isa ka pa naman diyan. Hays, wala kang kasama. Sinabihan ko na sina Lychie. Pupunta 'yan sa condo mo bukas."
"Huh?" Tanong ko. Ano't tinawagan niya ang kaibigan kong busy sa kanyang trabaho?! "Naku, nakakahiya! Baka naman makaabala pa ako roon! Busy pa naman siyang tao. Wala pa ako sa bahay bukas dahil gumala ako. Boring kasi sa bahay." "Ah basta, ayaw kong mag-isa ka riyan, Jani ko."
Narinig ko ang announcement sa background.
"Nagtext na si mama, nandito na siya rito sa airport. Tumatawag 'ata."
"Ah sige! Buh-bye, baby! Take care, I love you!"
"Ikaw ang mag-iingat diyan, ineng," saglit siyang tumawa. "Mahal na mahal din kita, sobra."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report